Karen Davila's controversial interview with Gigi Reyes on dzMM

Posted at 01/25/2013 6:24 PM | Updated as of 01/26/2013 1:30 PM

Here's dzMM's story on Karen Davila's controversial interview with Senate President Juan Ponce Enrile's chief of staff Gigi Reyes on dzMM last Monday, Jan. 21.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Anti-Enrile senators, tinawag na ipokrito ng chief of staff ni JPE

By Bianca Antalan, dzmm.com.ph
   
"They are hypocrites."

Ito ang tawag ng chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile sa mga senador na sinasabing bumabatikos sa Senate President.

Sa panayam ng DZMM, isiniwalat ni Gigi Reyes ng Office of the Senate President na ang mga kumukwestyon sa umano'y pamumudmod ng cash gifts ni Enrile ay ang mga senador na natulungan pa nito sa pondo.

Sa kaso anya ni Sen. Antonio Trillanes IV, si Enrile ang nagmungkahing dagdagan ng P5 milyon ang pondo nito dahil iisa lamang ang hinahawakang komite.

"The majority suggested na we create an oversight committee on government procurement which originally has a budget of less than P10 million... For the 2013 budget, it was Senate President who suggested that we increase those who only have one to P15 million, dahil unfair naman na 'yung iba may P30 million na oversight budget."

Si Sen. Alan Peter Cayetano naman anya na nagsasabing ilegal ang P250,000 cash gift mula sa pondo ng opisina ni Enrile ay patuloy na tumatanggap at hindi nagbabalik nito.

"We have to expose these hypocrites. Ilegal ba? Bakit hanggang ngayon, si Senator Miriam Santiago ibinalik niya, bakit si Senator Alan Peter Cayetano, kinuha niya? Bakit 'yung last year kinuha niya, nung 2008 kinuha niya, nung 2009 kinuha niya, nung 2010 kinuha niya, nung 2011 kinuha niya, 'yung 2012 hindi pa niya binabalik?"

Kinuwestyon naman ni Reyes si Sen. Pia Cayetano kaugnay ng noo'y alegasyong iniipit ni Enrile ang Reproductive Health (RH) Bill.

Pagsisiwalat niya, tinulungan pa ng Senate President si Cayetano para hindi maantala ang panukala.

"Nung kainitan ng RH Bill, nakiusap siya kay Senate President na, 'Pwede ba Tito Johnny, huwag ka na lang mag-interpolate pa, huwag mo na ituloy,' sabi ni Senate President, 'Sige para hindi na tumagal, hindi na.'"

"Nag-abroad siya. When she came back, she accused the Senate President of derailing the bill but she was the one who was not here."

Sa kaso naman anya ni Santiago, bagama't hindi ito opisyal na miyembro ng minorya, hindi naman ito kailanman dumalo ng caucus ng mayorya.

"Senator Miriam, while it is true na hindi siya official na sa minority, she has never attended any caucus of the Senate President, of the majority and she's been attacking the Senate President."

Muli ring sinabi ni Reyes ang naunang pahayag ni Enrile na bagama't walang additional maintenance and other operating expenses (MOOE) ang apat na senador, malaki rin naman ang budget ng mga ito dahil sa committee chairmanship at oversight committee budget.

Hindi lang rin anya ang apat ang walang dagdag na MOOE, kundi maging si Enrile.

'HINDI KAMI NAMUMUDMOD, KUNG HINDI SILA NANGHIHINGI'

Kaugnay ng isyu ng umano'y cash gifts, binigyang diin pa ni Reyes na ito'y kasunod lang din ng panghihingi ng mga senador.

"Hindi namimigay si Senator Enrile, kinakantyawan siya ng mga kasamahan niya, 'May pamasko ba?' Lagi siyang nangungunang mangantyaw, si Alan [Cayetano]. This year, ang nangantyaw, may dalawang senador, hindi na namin binanggit."

"'Yung discretionary fund ng Senate President ay ginagamit din ng secretariat for emergency purposes and not only that, ginagamit din 'pag humihingi sila ng baon 'pag nag-a-abroad sila."

"I'm telling you, hindi kami namumudmod, kung hindi sila nanghihingi."

MOSYONG BAKANTEHIN ANG SENATE PRESIDENT, IHAHAIN MULI NI JPE

Nabanggit naman ni Reyes na muling ihahain ni Enrile ang mosyong bakantehin ang senate presidency.

"Gusto niya mas merong attendance because 'yung mga main critics niya wala dun baka sabihin nila, 'Kaya niya dineliver, alam niyang wala kami.'"

Lunes ng hapon nang unang imungkahi ni Enrile na mabakante ang posisyon pero hinarang ito ng mga kapwa senador.

Sa huli, ikinatwiran naman ni Reyes na kaya niya nalaman ang mga isiniwalat sa panayam ay dahil "I am the chief of staff of the Office of the Senate President and I am the one who works directly with the Senate Secretary with all the administrative and finance matters that are for the Senate President signature and approval."