Q&A with James Yap: No regrets, just love

Posted at 06/19/2012 9:00 PM | Updated as of 06/20/2012 12:24 PM

MANILA, Philippines -- Basketball superstar James Yap has obviously moved on, although it wasn't easy.

That was the image he calmly projected when he agreed to do a one-on-one interview with ABS-CBN's Ces Drilon, where he discussed a range of topics from his early years as a college basketball player to his failed marriage to actress and host Kris Aquino.

Yap said he had a steady girlfriend for five years before meeting his future wife.

The shy young man, who avoided the limelight, was suddenly thrust into it when he began dating one of the country's biggest celebrities.

"Actually nakadalawang girlfriend lang ako – ‘yung isa ex ko at saka si Kris na," he told Drilon for "Pipol at ANC," which aired on Monday night. "Akala nila chick boy ako, eh nakadalawa nga lang ako eh. Tapos asawa pa 'yung pangalawa."

But the union did not last long and was beset by controversy. After being together for five years, the annulment of their marriage was announced last February.

Yap said it was not easy in the beginning. He moved into a condominium unit when he and Aquino separated.

"Noong una sobrang hirap talaga dahil siyempre almost five years kami biglang 'pag gising mo sa umaga, ako na lang mag-isa," he recalled.

"Sobrang hirap and then okay naman din. Nakapag-adjust na rin. Noong una parang mabubuang ka. 'Pag gising mo sa umaga wala ka ng katabi, wala ka ng katabing anak mo."

Excerpts from Drilon's interview:

Faithful ka?
Faithful na faithful.

How long after kayo magkakilala (ni Kris) bago kayo kinasal?
Five months.

Five months? Ang bilis 'no?
Mabilis.

Ano sinasabi nila (your parents)?
‘O alam mo ba yung pinapasok mo?’ Sabi ko oo. Mahal ko naman eh. Sinuportahan naman nila ako.

Hindi ka ba kinabahan na ikaw, sabi mo nga mahiyain ka, tapos ito ang pinakasalan mo such a big showbiz personality?
Kasi alam mo 'pag love mo ang isang tao, wala kang naiisip. ...Honestly, nahirapan talaga ako noon. Kasi alam naman natin na ganoon talaga si Kris. Sobrang hirap na hirap ako noon sa atensyon. Konting away naiisyu, kung anu-ano ang lumalabas.

Konting away alam na ng buong Pilipinas?
Oo, parang ganon. Siyempre hindi ako sanay sa ganon eh.
 
Would you say isang factor yun kaya hindi nag-work yung marriage niyo?
Actually hindi lang siguro magkasundo talaga. Pilitin man pero hindi talaga. Pinilit namin mag-work lahat. Nag-marriage counseling kami. Tapos isang beses lang nangyari tapos ayaw na niya. Kasi sinasabi ko lahat din eh. Lahat ng cards lay out dun. ‘Ikaw kasi, ikaw kasi.’ Ayaw nya. Hindi na siya bumalik.

Wala ka naman regrets?
Wala naman kasi minahal ko naman 'yung tao and mayroon naman kaming cute na anak. So wala akong regret.

And she loved you also?
Yes. Na-feel ko naman 'yun na love niya ko. Siguro hindi lang talaga para sa isa't-isa. ...Noong nalaman namin na annulled na kami, siya ang unang tumawag. Congratulations. Parang ganon. ‘O single na tayo.’ Basta may sinabi siya sa akin, natawa ako. Sabi ko happy ka na? ‘I’m very happy.’

So both of you were very happy?
Yes, oo. Siya mismo tumawag sa akin. Okay na, tapos na. At least ngayon okay na. Basta sabi niya ‘O single na tayo yehey!’ Parang ganon.

What is life after Kris?
Actually okay naman, masaya. Masaya ako dahil okay na lahat. Wala ng gulo sa amin ni Kris, magkaibigan kami. Sobrang happy ako dahil 'yung anak namin si Baby James lumalaki na nakikita niya na 'yung parents niya ay okay. Ayaw ko naman kasi na hanggang ngayon nagbabangayan pa, nag-aaway pa rin hanggang ngayon. At least ngayon happy na lahat, naka-move on na lahat. Ang focus na lang talaga namin si Baby James, kung paano palakihin ng tama.

So ano ang role mo as a father sa pagpapalaki kay Baby James?
Well nandoon ako. Ipapakita ko sa kanya na nandito 'yung parents mo na nagmamahal sa ‘yo. Kailangan talaga wala kaming pagkululang sa pagpapalaki sa kanya.

So naging lonely ka ba for a while (after your separation)?
Yes, talaga. Sobrang lonely. Pero wala ka ng magawa ‘di ba?

At that time naisip mo na sana magkabalikan kayo?
Yes, parang mayroong ganon. Pero pilitin man, parang pumapasok din talaga sa utak mo na baka magulo na naman. So ang isip ko talaga, sabi ko sige siguro si God talaga may purpose na nangyari sa akin 'to. 'Yun ang lagi kong iniisip. Lahat sinubmit ko kay God.