NBI revives task force on Bentain
MANILA - The National Bureau of Investigation (NBI) has reactivated its task force to look into the disappearance of Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) employee Edgar Bentain.
From a missing person case, Bentain's may now be considered a possible murder, after Senator Panfilo Lacson disclosed in a privilege speech that Bentain was abducted in 1999 and killed somewhere in Laguna.
Bentain is said to have leaked a video in 1998 of then Vice-President Joseph Estrada gambling at a casino in Manila.
The NBI said it may invite the senator for questioning so he can shed light on Bentain's case.
"Yun pong binanggit ni Sen. Lacson sa katunayan po talagang mag-uumpisa tayo dun sa napakababaw ding impormasyon," NBI deputy director for intelligence Ruel Lasala told ANC's Dateline Philippines on Friday.
"Di naman siguro mahirap imbitahan, at dati naman pong law enforcer si Sen. Ping Lacson, maiintindihan nya naman po yun," Lasala added.
The NBI said its 4-year probe into Bentain's disappearance was shelved after failing to find solid leads.
But with a witness who's willing to participate, the agency hopes to make a breakthrough in the case.
In an interview earlier this week on ANC's The Big Picture, Senator Lacson revealed he is convincing an ex-cop involved in Bentain's abduction to turn state witness.
"I asked him to relay to that police officer if he would be willing to act as state witness, and if I can work it out, probably he can come out and tell all," Lacson said, recalling his meeting with an emissary of the former policeman. - by Karen Reyes-Caringal, ANC
mga punto de vista...
Ito na yong dahilan kung bakit nasabing kong huwag masyadong magmadali si Jinggoy at tiyak darating din sa husgado ang mga akusasyon ni Lacson lalung-lalo pa at ito ay isang kasong murder gaya ng Bentain’s case. Alam ng mga nakakaintindi na pampa-“pogi points” lang ang hamon ni Jinggoy na magsampa si Lacson ng kaso.
Unang-una, hindi si Lacson ang naagrabyado o “aggrieved party” sa Bentain’s case kundi ang mga pamilya ng Bentain. Pangalawa, ang katungkulan ng pagsampa ng kaso ay nasa DOJ base sa resulta ng imbestigasyon ng NBI. Pangatlo, walang “personal knowledge” si Lacson sa nangyari kay Bentain. Ang kanyang impormasyon ay nanggaling sa isang “former police officer” na kasama sa krimen. Kaya nga sinabi niya na, “I will work to have my informant be a state witness”.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit umaray kaagad si Jinggoy samantalang wala namang binanggit na pangalan si Lacson maliban sa “the house occupant”. Maliwanag na ang ibig sabihin ng “house occupant” ay di lang si Erap kundi pati na rin ang kanyang mga anak at asawa.
Ang nakakapangingilabot sa sinabi ni Lacson na yong utak ay may “ACTIVE PARTICIPATION”. Ang ibig sabihin ng “active participation” ay direkta o aktuwal na sumama doon sa pagkidnap at pagpatay kay Bentain. Meron pala tayong “public official” na halimaw ang pagiisip! Tungkol naman doon sa tinuran ni Lacson na nagpunta yong “former police officer” sa folk street at sinabi na “mission accomplished sir” ay maaring tumukoy doon sa pagtapon ng bangkay ni Bentain.
di nauubusan ng joke...
Sabi sa isang Philippine news website ay pinatawad na raw ni Erap si Ping Lacson sa kanyang mga atake. At, take note, continuing daw ang yon. Ibig sabihin kahit meron pang natirang atake si Lacson ay pinatawad na rin nya.
Teka muna pareng erap, liwanagin natin. Di ba ikaw ang unang nagdiin kay Lacson sa Dacer-Corbito case? Aba'y hintayin mo muna yong patawad ni Lacson bago ka magpatawad para kumpleto ang script mo no! Mainam siguro na palitan mo na yang script writer mo erap at masyadong garapal ang istorya. Walang kasuspense-suspense at bistado ang ending.
Syanga pala, sinabi ni erap yong kanyang pagpapatawad sa kanyang "Lakbay Pasasalamat". Para bagang "validectory address" at tiyak na yong panalo niya sa 2010 presidential election.
Hay nau erap...isa lang ang hinahangaan ko sayo. Yong ugali mo, yong di ka nauubusan ng "jokes"...he he he