
Sinamantala ng ilang celebrities ang Holy Week break para magbakasyon. Mula sa barkada bonding, at mga romantic getaways, bakasyonistang celebrities, Trending na! Bandila, Abril 1, 2013, Lunes
Mapapanood na muli ang tambalan nina Miggy Montenegro at Laida Magtalas na ginagampanan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Aminado ang dalawang bida na medyo nahirapan silang balikan ang patok na mga karakter. John Lloyd at Sarah, trending na. Bandila, Marso 25, 2013, Lunes
Batikang aktor na bumida sa mga pelikulang "Sambahin ang Ngalan Mo," "Bahid," at "Kapag Puno na ang Salop." Humakot ng parangal sa FAMAS bilang aktor at direktor. Naging usap-usapan din kailan lang ang kanyang pagkapanalo ng "Best Actor" at "People's Choice Favorite Actor" sa Asian Film Awards para sa pelikulang "Bwakaw!" Ngayon, napapanood siya sa teleseryeng "Juan dela Cruz." Eddie Garcia sa Ikaw Na!
Lumutang ang ganda ni Julia Montes sa kanyang debut ngayong gabi. Buo ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya at lahat ng mga nagmamahal sa young actress. Julia Montes, trending na! Bandila, Marso 19, 2013, Martes
Nagwagi sa Asian Film Awards sa Hong Kong sina Eddie Garcia at Superstar Nora Aunor. Sa official Facebook page ng award giving body ipinost ang mga nagwagi. - Bandila, Marso 18, 2013
Kasado na ang lahat para sa inaabangang debut ni Julia Montes sa March 19. Sinagot niya na rin ang mga tanong kung bakit hindi kasali sa 18 roses ang dating manliligaw na si Enchong Dee. Julia Montes, Trending na! Bandila, Marso 15, 2013
Isinantabi muna ni People's Champ Manny Pacquiao ang kanyang boxing gloves para mag-basketball kasama ang ilang artista at basketbolista. Sa ulat ni Ginger Conejero, Manny Pacquiao, trending na! Bandila, Marso 14, 2013, Huwebes
Matapos ang matagumpay niyang pagganap bilang si "Jao" sa teleseryeng "Princess and I," abala naman ngayon si Enrique Gil sa kaliwa't kanang proyekto. Usap-usapan na rin kung sino ang bago niyang ka-love team. Enrique Gil, trending na. Bandila, Marso 13, 2013, Miyerkules


