02/19/2013 1:55 AM

Sa kanyang boses nagpatuloy ang pamamayagpag ng American rock band na "Journey" na nagpasikat ng "Don't Stop Believing," "Faithfully" at "Open Arms." Usap-usapan ang kanyang docu na "Don't Stop Believin': Every Man's Journey" at muling sasabak sa world tour kabilang dito sa Pilipinas. Bandila, Pebrero 18, 2013, Lunes

02/16/2013 12:40 AM

Ipinagdiwang kahapon ni John Prats ang kanyang 29th birthday kasama ang pamilya, malalapit na kaibigan, at ang aktres na si Isabel Oli. Inamin din ni John ang tunay na estado na kanilang relasyon ni Isabel. John Prats, trending na. Bandila, Pebrero 15, 2013, Biyernes

02/15/2013 1:10 AM

Sa mga nangangarap maging artista, kaliwa't kanan ang auditions ngayon para sa mga singers, dancers at iba pa. Maging mga child actors para sa bago at patok na shows, hinahanap din. Talent auditions, trending na! Bandila, Pebrero 14, 2013, Huwebes

02/14/2013 1:23 AM

Bukod sa kanyang teleserye at morning show, abala na rin ang Queen of All Media sa pagbabalik ng 'Pilipinas Got Talent.'  Tanong ng ilan, may panahon pa kaya siya sa kanyang love life lalo't Valentine’s at birthday na niya bukas? Kris Aquino, trending na! Bandila, Pebrero 13, 2013, Miyerkules

02/13/2013 1:06 AM

Palabas na bukas ang kilig Valentine's movie nina Coco Martin at Julia Montes. Bigay-todo sa suporta ang kanilang mga kaibigan na ibinuking pa ang sikreto ng patok na love team. "A Moment In Time", trending na. Bandila, Pebrero 12, 2013, Martes

02/12/2013 1:08 AM

Muling mapapanood ang talento sa pagkanta at pag-arte sa entablado ni Nikki Gil. Ngayon pa lang, ramdam na ni Nikki ang pressure sa kanyang pagganap sa broadway musical na "They're Playing Our Song." Nikki Gil, trending na. Bandila, Pebrero 11, 2013, Lunes

02/09/2013 1:05 AM

Mula sa Pilipinas hanggang sa ibang bansa, inaabangan ng mga Pinoy ang 'Be Careful with My Heart.' Bukod sa mga nakakakilig na eksena nina Maya at Sir Chief, patok din ang iba pang mga karakter sa kiligserye. Ang sikreto ng tagumpay ng "Be Careful with My Heart," trending na! Bandila, Pebrero 8, 2013

02/08/2013 12:25 AM

Kumpirmado nang parte ng pinakabagong reality-singing show na "The Voice" sina Toni Gonzaga at Sarah Geronimo. Isa ito sa mga dahilan kaya magpapaalam na ang Pop Star Princess sa kanyang programa. "The Voice of the Philippines", trending na. Bandila, Pebrero 7, 2013, Huwebes