
Sinimulan na ng Comelec ang bilangan ng boto para sa party-list groups. Target nila itong tapusin sa loob ng 10 araw. Magba-Bandila si Jenny Reyes. Bandila, Mayo 20, 2013, Lunes
Marami ang nagulat sa pag-amin ni Ai Ai Delas Alas na hiwalay na sila ng asawang si Jed Salang. Wala pang isang buwan matapos silang magpakasal sa Las Vegas. Bumuhos naman ang simpatiya at suporta ng kanyang mga kaibigan. Hiwalayang Ai-Ai at Jed, trending na! Bandila, Mayo 20, 2013, Lunes
Patay ang 3 magkakamag-anak sa Ibaan, Batangas matapos walang awang pagsasaksakin ng kanilang tauhan. Arestado ang suspek na aminadong galit sa isa sa mga biktima. Magba-Bandila si Joan Panopio. Bandila, Mayo 20, 2013, Lunes
Tinapos na ng Alaska Aces ang 3 taong paghihintay para sa championship sa PBA. Winalis ng Milkmen ang crowd-favorite na Barangay Ginebra sa best-of-5 finals series ng PBA Commissioner's Cup. Magba-Bandila si TJ Manotoc. Bandila, Mayo 20, 2013, Lunes
Pinabilib ang marami sa kanyang sagot sa question and answer portion ng Miss Philippines Earth Pageant. Tubong Olongapo City. Miss Philippines Earth 2013 Angelee Claudett Delos Reyes, ikaw na! Bandila, Mayo 20, 2013, Lunes
Taylor Swift at Justin Bieber, humakot ng parangal sa Billboard Music Awards. Agaw-eksena rin ang mga performances, kabilang ang pagpapasiklab ni Psy. Iyan ang patok na balita ni Jenny Reyes. Bandila, Mayo 20, 2013, Lunes
Ipinroklama na ng Comelec ngayong gabi ang tatlo pang bagong halal na senador, pero iisa lang ang sumipot. Naniniwala ang isa sa mga naiproklama na "premature" ang proclamation lalo't ilang milyong boto pa ang hinihintay na ma-canvass. Live mula sa Comelec Command Center si Jasmin Romero. Bandila, Mayo 10, 2013, Biyernes


