03/02/2011 1:45 AM

Nag-resign na bilang Congressman ng Ilocos Sur si Ronald Singson, matapos masentensyahang makulong ng korte sa Hong Kong dahil sa kasong drug trafficking. Sa resignation letter, sinabi ni Singson na nirerespeto niya ang Kamara at mga kasamahan. May rin patama siya sa mga kasamahang humiling ng kanyang pagbibitiw. Tinanggap naman ni Speaker Sonny Belmonte ang pagbibitiw ni Singson. Bandila, Marso 1, 2011, Martes.

03/02/2011 1:43 AM

Aminado mismo si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na kulang ang kanilang kakayahan hindi gaya ng ibang bansa. May bago namang batch ng mga OFW na dumating ngayon mula sa Libya. Magba-Bandila si Gretchen Malalad. Bandila, Marso 1, 2011, Martes.

03/01/2011 2:32 AM

Bagama’t nakauwi na ang ilang mga overseas Filipino workers (OFW) at ligtas na sa gulo sa Libya, nangangamba naman sila dahil sa kawalan ng trabaho at kabuhayan sa bansa. Nagba-Bandila si Apples Jalandoni. Bandila, Pebrero 28, 2011, Lunes.

03/01/2011 2:31 AM

Sisimulan na ng House Justice Committee ang pagdinig sa impeachment case laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Dumulog din muli sa Korte Suprema ang Ombudsman para pigilin ito. Magba-Bandila si Ron Gagalac. Bandila, Pebrero 28, 2011, Lunes.

03/01/2011 2:28 AM

Isinalang na sa interview ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga heneral na posibleng pumalit bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Kabilang sa mga pinagpipilian ay mula sa Class 78 at 79 ng Philippine Military Academy. Magba-Bandila si Ces Drilon. Bandila, Pebrero 28, 2011, Lunes.

03/01/2011 2:27 AM

Kung dati, mga gamot lang ang kinakailangan ng reseta ng doktor para makabili, ngayon, sa Barangay Ayala, Alabang, kailangan na rin ng reseta para makabili ng condom. Tutol naman diyan ang advocates ng reproductive health bill. Pinapipigil na rin ng mismong konseho ng Muntinlupa City ang pagpapatupad sa ordinansang ito. Nagba-Bandila si Abner Mercado. Bandila, Pebrero 28, 2011, Lunes.

03/01/2011 2:25 AM

Magbibitiw na sa puwesto si Ilocos Sur Representative Ronald Singson ngayong linggo, ayon kay House Speaker Sonny Belmonte. Ayon kay Belmonte, mismong ang ama ng kongresista na si Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang naghatid sa kanya ng balitang ito. Bandila, Pebrero 28, 2011, Lunes.

02/26/2011 12:55 AM

Mainit ding pinag-usapan sa mga social networking sites ang anibersaryo ng EDSA People Power revolution. Pero sa gitna ng umaatikabong diskusyon sa Twitter, hindi naiwasang magtalo ng 2 sa kilalang personalidad ng People Power na sina Jim Paredes at Senador Gringo Honasan. Bandila, Pebrero 25, 2011, Biyernes