05/16/2013 1:18 AM

Pinangangambahan ng UNA na posibleng namanipula ng isang Smartmatic technician ang datos sa Comelec transparency server sa PPCRV. Agad naman itong itinanggi ng Smartmatic. Magba-Bandila si Pia Gutierrez. Bandila, Mayo 15, 2013, Miyerkules

05/16/2013 1:15 AM

Natatakot lumabas ng kanilang bahay ang mga residente sa ilang lugar sa Abra ilang araw matapos ang halalan. Partikular na natatakot ang mga nag-benta ng kanilang boto. Exclusive, Magba-Bandila si Niko Baua. Bandila, Mayo 15, 2013, Miyerkules

05/16/2013 1:03 AM

Ipinasilip na ang "Got To Believe," ang  bagong teleseryeng pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kasunod nito, inihahanda na rin ang bago nilang pelikula. Bandila, Mayo 15, 2013, Miyerkules

05/16/2013 12:59 AM

Sexy stunner mula sa Palawan kinoronahang "Miss Bikini Philippines" at magiging kinatawan ng bansa sa Miss Bikini International sa China. Janicel Lubina sa Ikaw Na! Bandila, Mayo 15, 2013, Miyerkules

05/16/2013 12:53 AM

Sinalubong ng hiyawan ng mga fans ang cast ng "Fast and Furious 6" sa red carpet Asian premiere dito sa Maynila. Iyan ang patok na balita ni Ginger Conejero. Bandila, Mayo 15, 2013, Miyerkules

05/15/2013 1:33 AM

Mula sa pagiging mayor ng San Juan, naging senador, bise presidente, hanggang maluklok bilang pangulo ng bansa si Joseph Estrada. Naalis man sa pwesto, sumubok ulit maging presidente pero hindi pinalad. Ngayon balik sa pagiging alkalde si Joseph Estrada pero sa Maynila naman. Magba-Bandila si Doris Bigornia. Bandila, Mayo 14, 2013, Martes
 

05/15/2013 1:30 AM

Itinigil muna ng Comelec ang canvassing ng boto para sa party-list groups. Pero nananatili namang mabagal ang canvassing ng boto para sa mga senador. Live mula sa Comelec National Command Center, magba-Bandila si RG Cruz. Bandila, Mayo 14, 2013, Martes

05/15/2013 1:28 AM

Bukod kay Erap, inanunsyo na rin ang ilan sa mga kandidatong nanalo o nangunguna sa mga lokal na posisyon sa Metro Manila. Magba-Bandila si Jasmin Romero. Bandila, Mayo 14, 2013, Martes