
Engrande at star-studded ang 20th anniversary fashion show ng designer na si Rhett Eala. Dumalo sa okasyon si Pangulong Aquino at isa sa mga rumampang modelo ay si Ms. Universe 4th runner-up Venus Raj. Ang patok na balita hatid ni Apples Jalandoni. Bandila, Oktubre 5, 2010, Martes
Matapos mabuo ang pira-pirasong fragments ng granada sa pagpapasabog sa bar exams, ibinigay na ito sa NBI. Umaasa sila na sa pamamagitan ng serial number ng granada, matutunton nila kung kanino o saan ito nanggaling. Magba-Bandila si Ron Gagalac.
Pagkakataon na sana ni Franklin Corpuz na umunlad ang buhay sa pamamagitan ng pangingibang bansa. Ang hindi niya inaasahan, guguho pala ang kanyang mga pangarap dahil sa kanyang pagiging bingi. Exclusive Magba-Bandila si Timi Nubla. Bandila, Oktubre 5, 2010, Martes
May 5 hanggang 8 bagyo pang inaasahan ang PAGASA ngayong huling bahagi ng taon. Kanina, ibinida ng ahensya ang bagong rain gauge na sinasabing mas mabilis at mas tumpak ang maibibigay na impormasyon sa lakas ng ulan bilang babala sa mga babahaing lugar. Magba-Bandila si Zyann Ambrosio. Bandila, Oktubre 5, 2010, Martes
Sa mga balitang bumabandila. Puwede na ulit kumuha ng licensure exams ang mga Pilipinong physical therapists na gustong magtrabaho sa Amerika. Una nang na-suspend ang mga Pinoy sa pagkuha ng exam dahil sa pagkalat umano ng mga exam questions sa ilang paaralan at review centers dito.
Base ngayon sa imbestigasyon sa Amerika, walang sapat na ebidensya na nandaya ang ilang mga kumuha ng exam kaya inalis na ang suspensyon. Magba-Bandila si Gretchen Malalad. Bandila, Oktubre 4, 2010, Lunes
Kinontra ng isang grupo ng mga kababaihan ang Simbahang Katolika kaugnay ng isyu ng Reproductive Health Bill. Giit nila, ang mga babae ang mas nakakaalam ng kahalagahan ng family planning dahil katawan nila ang nalalagay sa peligro tuwing nagbubuntis. Magba-Bandila si Apples Jalandoni. Bandila, Oktubre 4, 2010, Lunes
Kinundena ng Korte Suprema ang pagpaslang sa isa na namang hukom. Si Vigan RTC Judge Reynaldo Lacasan-Dile ang ika-dalawmpu’t isang hukom na napaslang sa bansa mula noong 1999.
Hiling naman ni Chief Justice Renato Corona na ma-exempt muna sa gunban ng COMELEC ang mga hunkom lalo na yung may banta sa buhay. Mula sa Ilocos Sur magba-Bandila si Ron Molina. Bandila, Oktubre 4, 2010, Lunes
Sa halip na mga pasalubong gaya ng bagong damit o tsokolate, luha at mapait na karanasan ang naiuwi ngayong gabi ng 18 OFW mula sa Malaysia na biktima ng illegal recruitment. Karamihan sa kanila, inabuso at hindi pa naswelduhan. Exclusive Magba-Bandila si Abner Mercado. Bandila, Oktubre 4, 2010, Lunes


