09/24/2010 12:44 AM

Iginiit ng negosyanteng si Tony Boy Cojuangco na hindi siya nakiusap kay retired Archbishop Oscar Cruz na maghinay-hinay sa pagdawit sa mga opisyal ng administrasyong Aquino sa jueteng. Sinermunan pa niya ang media nang tanungin siya ukol sa isyu. Kabilang si Cojuangco sa delegasyon ng pinsan niyang  si Pangulong Aquino sa New York. Magba-Bandila si North America Bureau Chief Ging Reyes. Bandila, Huwebes, Setyembre 23, 2010.

09/23/2010 1:50 AM

Para sa mga motorista, problema na nga ang araw-araw na trapik sa kalsada, problema pa rin ang ilang abusadong traffic enforcer. Kaya ang mismong MMDA na ang naglabas ng tips para maprotektahan ng mga motorista ang kanilang mga karapatan kapag hinuli sila sa daan. Magba-Bandila si Jenny Reyes. Bandila, Miyerkules, Setyembre 22, 2010

09/23/2010 1:49 AM

Sinimulan na ang balasahan ng mga immigration officers sa mga airports sa bansa. Bahagi ito ng mga hakbang para masugpo ang problema ng human trafficking. Magba-Bandila si Zyann Ambrosio. Bandila, Miyerkules, Setyembre 22, 2010

09/23/2010 1:48 AM

Gigibain na sa Huwebes ang mga bahay at istrakturang ilegal na itinayo sa sa Sito san Roque, Barangay Bagong Pag-Asa, Quezon City. Ito'y matapos mapaso ang 7 araw na palugit ng National Housing Authority. Magba-Bandila si Chiara Zambrano. Bandila, Miyerkules, Setyembre 22, 2010

09/23/2010 1:46 AM

Ibinulgar ni Senador Franklin Drilon na posibleng nagamit sa halalan ang mahigit P1 bilyong pondo ng DENR na dapat sana'y para sa dredging project o pagpapalalim ng mga ilog. Inilabas kasi ng nagdaang administrasyon ang pondo 3 buwan bago mag-eleksiyon. Bandila, Miyerkules, Setyembre 22, 2010

09/23/2010 1:45 AM

Haggang sa kaniyang biyahe sa Amerika para sa United Nations General Assembly, hindi nilubayan si Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa jueteng at ang pagkakasangkot umano rito ni DILG Undersecretary Rico Puno. Ayon sa Pangulo, pag-aaralan muna niya ang resulta ng imbestigasyon bago siya gumawa ng anumang desisyon. Mula New York, Magba-Bandila si North America Bureau Chief Ging Reyes. Bandila, Miyerkules, Setyembre 22, 2010

09/23/2010 1:44 AM

Itinanggi ng mga taong pinangalanan ni Senador Miriam Defensor Santiago ang akusasyong nasa likod sila ng operasyon ng jueteng. Giit ng mga alkalde ng ibat-ibang lungsod, wala na jueteng sa kanilang mga nasasakupan. Magba-Bandila si Pia Gutierrez. Bandila, Miyerkules, Setyembre 22, 2010

09/22/2010 3:05 AM

Walang ipinagkaiba ang small-town lottery (STL) at jueteng. Ito ang iginigiit ni dating PCSO chairman Manoling Morato at mga dating kubrador ng jueteng. Gayunman, hindi raw naging epektibong pamalit ang STL sa jueteng. Magba-Bandila si Zyann Ambrosio. Bandila, Martes, Setyembre 21, 2010