05/08/2013 1:38 AM

Bago ang concert bukas, nagpa-sampol muna ang Aerosmith ng isa sa kanilang sikat na awitin. Inamin naman ng rock legends na hindi pa rin nawawala ang "magic" kapag magkakasama silang tumutugtog ng buong banda. Iyan ang patok na balita ni Ginger Conejero. Bandila, Mayo 7, 2013, Martes

05/07/2013 1:31 AM

Isa ang patay matapos bumangga ang isang bus at mahulog sa bangin sa Cavite. Kabilang sa mga nasugatan ang tatlong teacher na kukuha sana ng election paraphernalia. Magba-Bandila si Chiara Zambrano. Bandila, Mayo 06, 2013, Lunes

05/07/2013 1:28 AM

Naitala ang kabi-kabilang aberya sa isinagawang final testing and sealing ng mga PCOS machines sa iba't ibang lugar sa bansa. Pero ayon sa Comelec, hindi naman ganoon kalaki ang problema. Magba-Bandila si Ron Gagalac. Bandila, Mayo 6, 2013, Lunes

05/07/2013 1:25 AM

Darating na ngayong linggo ang source code na gagamitin sa mga PCOS machines. Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, maari nang simulan ang pag-review nito. Bandila, Mayo 06, 2013, Lunes

05/07/2013 1:23 AM

Nauwi sa malagim na trahedya ang dapat sana'y masayang selebrasyon ng isang bagong kasal na Pinay sa Amerika. Patungo sa party ang biktima nang magliyab ang sinasakyan nilang limousine. Patay ang Pinay at ang 4 niyang kasama. Magba-Bandila si Jenny Reyes. Bandila, Mayo 06, 2013, Lunes

05/07/2013 1:19 AM

Ibinida ni F1 Lotus junior driver Marlon Stockinger ang kanyang Formula 1 car sa makasaysayang Manila Speed Show. Dumating naman sa bansa si dating NBA star center Yao Ming para sa serye ng goodwill games. Iyan at ang iba pang balitang sports sa pagba-Bandila ni Alvin Elchico. Bandila, Mayo 06, 2013, Lunes

05/07/2013 1:14 AM

Hotshot engineer ng Cebu na big winner ng Pinoy Big Brother. Pinasok ang showbiz. Ambassador ngayon ng advocacy groups na "World Vision" at "Habitat For Humanity." At ngayon ay napapanood rin sa "Kris TV" at "Ina, Kapatid, Anak." Slater Young, ikaw na! - Bandila, Mayo 06, 2013, Lunes

05/07/2013 1:10 AM

Nanumpa ang mga Bayan Patrollers para sa tapat at malinis na halalan. Nagtipon-tipon din sila para sa isang concert kanina dito sa ABS-CBN compound. May rakrakan din sa Eastwood para hikayatin ang mga persons with disability na lumabas at bumoto. Live mula sa Eastwood, Quezon City, Magba-Bandila si Jacque Manabat. Bandila, Mayo 06, 2013, Lunes