05/09/2013 12:51 AM

Sexy singer, dancer at modelo. Sumikat sa pagiging lead-vocalist ng grupong "Mocha Girls." Nakilala rin sa pagganap ng sexy roles sa ilang indie films. At ngayon muling bibida sa bagong pelikula na "Mga Alaala ng Tag-ulan." Mocha Uson sa Ikaw Na! Bandila, Mayo 08, 2013, Miyerkules

05/09/2013 12:49 AM

Dumagundong sa Mall of Asia Arena ang walang kupas na musika ng rock legend na "Aerosmith." Isa sa pinaka-inabangan ang pagkanta nila ng "I Don't Want to Miss a Thing." Iyan ang patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Mayo 08, 2013, Miyerkules

05/08/2013 2:06 AM

Itinigil muna ang paghahanap sa limang tao na pinangangambahang namatay nang magbuga ng usok at bato ang bulkang Mayon kaninang umaga. Apat sa kanila ay mga dayuhang turista at ang isa naman ay ang kasama nilang Pinoy tour guide. Live mula sa Albay, magba-Bandila si Ryan
Chua. Bandila, Mayo 7, 2013, Martes

05/08/2013 2:03 AM

Walang pahintulot ang pag-akyat ng grupo ng 5 namatay na turista at mountaineers. Nakaligtas ang 8 habang isa pa ang hinahanap. Magba-Bandila si Jasmin Romero. Bandila, Mayo 7, 2013, Martes

05/08/2013 2:01 AM

Kaliwa't kanan na naman ang patayan at karahasan ilang araw bago sumapit ang halalan. Sa Abra, iniimbestigahan na rin ang umano'y insidente ng "vote-buying" ng dalawang kandidato roon. Magba-Bandila si Chiara Zambrano. Bandila, Mayo 7, 2013, Martes

05/08/2013 1:57 AM

Porma o Plataporma? Ano nga ba ang batayan ng mga kabataan sa pagpili ng kanilang iboboto? Nadismaya ang ilang youth groups sa naging resulta ng isang pag-aaral dahil mas marami pa rin ang nakatuon sa personalidad sa halip na sa isyu. Magba-Bandila si Jenny Reyes. Bandila, Mayo 7, 2013, Martes
 

05/08/2013 1:48 AM

Babala sa mga propesyonal na nagre-renew ng lisensya sa Professional Regulation Commission: Baka may ibang nagre-renew nito at nagagamit na sa ilegal na paraan. Magba-Bandila si Jasmin Romero. Bandila, Mayo 7, 2013, Martes

05/08/2013 1:44 AM

Hindi lubusang natutugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga ina sa Pilipinas. Ito ang lumalabas sa pag-aaral ng isang international organization. Magba-Bandila si Abner Mercado. Bandila, Mayo 7, 2013, Martes