10/05/2012 1:33 AM

Humarap na sa media ang pamunuan ng Colegio San Agustin para sagutin ang mga reklamo ng bullying sa paaralan. Hindi raw totoong wala silang ginagawa para tugunan ang isyu at ang pangunahing interes daw nila ay proteksyunan ang kanilang mga estudyante. Bandila, Oktubre 4, 2012, Huwebes

10/02/2012 2:01 AM

Nakipagpulong na sa Department of  Education ang mga opisyal ng Colegio San Agustin. Ito'y kaugnay ng kaso ng bullying o pang-aapi na naranasan ng kanilang estudyante. Pero nadagdagan pa ang reklamo laban sa paaralan sa paglantad ng isa pang magulang. Hindi umano inaksyunan ng CSA ang kaso ng kanyang anak na hinataw ng gitara. Bandila, Oktubre 1, 2012

09/29/2012 1:48 AM

Lumantad ang isa pang kaso ng bullying sa Colegio San Agustin. Ayon sa ama ng mga biktima, nagsimula ang pang-aapi sa kanyang anak noong 2008 at naulit pa ito sa isa pang anak ngayong taon. Wala umanong aksyon na ginawa ang eskwelahan sa mga insidenteng ito. Bandila, Setyembre 28, 2012, Biyernes

09/25/2012 2:09 AM

Palaban pa rin si Senador Antonio Trillanes at tinawag niyang traydor si Senate President Juan Ponce Enrile. Dahil ito sa paglabas ni Enrile ng tinaguriang Brady's Notes kaugnay sa pakikipag-negosasyon ni Trillanes sa China. Ibinunyag din ni Trillanes na may mga negosyante ring tumulong sa kanyang pakiki-negosasyon. Bandila, Setyembre 24, 2012, Lunes

09/22/2012 1:49 AM

May mga bagong pasabog muli ang batikang mamamahayag na si Maritess Vitug sa kanyang bagong libro tungkol sa Korte Suprema. Itinapat ang paglunsad nito ngayong anibersaryo ng Martial Law. Nagsalita rin si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa mga nakikita niyang problema sa Supreme Court. Bandila, Setyembre 21, 2012, Biyernes

09/20/2012 2:11 AM

Kung dati'y naglilingkod sa dayuhang amo ang ilang mga OFW, ngayon, sariling boss na sila ng kanilang negosyo dito sa Pilipinas. Ito'y sa tulong ng DOLE-OWWA Reintegration Program. Bandila, Setyembre 19, 2012, Miyerkules

09/19/2012 2:33 AM

Nakauwi na sa kani-kanilang bayan ang may higit 2,000 OFW mula Syria. Bagamat walang nakuhang pinansyal na tulong ang marami sa kanila dahil hindi sila miyembro ng OWWA, may paraan pa rin ang gobyerno para makapagsimula sila muli. Ito'y sa pamamagitan ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay program. Bandila, Setyembre 18, 2012, Martes

09/11/2012 1:35 AM

Mainit pa rin ang debate kaugnay sa kung magkano talaga ang dapat idagdag sa buwis ng sigarilyo at alak sa "sin tax" bill. Lumalabas naman na tila tanggap na ng mga nag-yoyosi ang dagdag bayarin sakaling maisabatas ang panukala.