
Hindi lang kabuhayan ng mga taga-Talisay, Batangas ang naapektuhan ng fishkill kamakailan lang.
Pati ang mga estudyante, naramdaman ang dagok lalo na't hindi sila mabilhan ng mga bagong gamit ng kanilang mga magulang. Kaya naman nagpunta roon ang Balik-Eskwela, Tulong Kapamilya para mamigay ng school supplies. Magba-Bandila si Karen Davila. Bandila, Hunyo 21, 2011, Martes.
Bumida muli ang ating watawat sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong Linggo. Alamin natin mula sa pamilyang isang siglo nang gumagawa ng bandila ng Pilipinas kung gaano pa ba pinapahalagahan ng mga Pinoy ang ating bandila. Magba-Bandila si Karen Davila. Bandila, June 13 2011, Lunes.
Sa kabila ng balitang magkakaroon ng malawakang pagbalasa sa gabinete, itinanggi ito kanina ng Pangulong Aquino. Manindigan naman ang isa sa mga nanganganib umano sa pwesto na si Customs Commissioner Angelito Alvarez... pinu-pulitika lang daw siya. Magba-Bandila si Karen Davila. Bandila, May 30, 2011, Lunes.
May solusyon na ang isang paaralan para sa problema ng santambak na libro, na dahilan kung bakit nagkakanda-kuba ang mga estudyante araw-araw! Hi-tech ang ipapalit sa bulto-bultong libro na karaniwang binibitbit ng mga mag-aaral. Magba-Bandila si Karen Davila. Bandila, May 26 2011, Huwebes.
Hindi lahat ng mga bata ay may pagkakataong makatungtong sa eskwelahan. Pero paniwala ng isang volunteer group sa Tondo, musmos man ang bata at salat sa pera ang pamilya... dapat pa ring mabigyan ng tamang pundasyon sa pag-aaral. Magba-Bandila si Karen Davila. Bandila, May 10, 2011, Martes.
Sanay na ang ina na si Jean Gonzales sa pagkatok sa mga bahay-bahay. Bilang nanay ng isang batang may autism, nahanap ni Jean ang misyon niya sa buhay sa pagtulong sa iba pang magulang ng mga special children. Nagba-Bandila si Karen Davila. Bandila, May 6 2011, Biyernes.
Matapos ang mala-fairy tale na kuwento ng pag-iibigan, ikinasal na sina Prince William at Kate Middleton.
Tinutukan ng buong mundo ang pag-iisang dibdib ng magiging hari at reyna balang araw ng United Kingdom.
Bukod sa seremonya, inabangan din ang wedding kiss sa balcony ng Buckingham Palace. Hindi binigo ng bagong kasal ang mga manonood. Bandila, Abril 29, 2011, Biyernes
Bicol Express speed-eating contest na, singing competition pa—iyan ang tampok sa Magayon Festival. Giant burger eating challenge naman ang sa China—‘yan ang ating patok na balita. Magba-Bandila si Karen Davila. Bandila, Abril 28, 2011, Huwebes.


