
Dalawang sikat na Hollywood action star, kasama sa bagong pelikulang “G.I. Joe: Retaliation." DZMM anchors at mga Kapamilya stars tatakbo para sa karunungan. Iyan ang mga patok na balita ni Pia Gutierrez. Bandila,Marso 20, 2013, Miyerkules
Jessica Sanchez, mapapanood na sa hit TV series na “Glee” sa Mayo. Nora Aunor at Eddie Garcia, kaliga si Asian Superstar Michelle Yeoh sa film awards sa Hong Kong. At American pop star Demi Lovato, nasa bansa na para sa concert. Iyan ang patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Marso 19, 2013, Martes
Opisyal nang nagsimula ang summer sa Pilipinas, ayon sa PAGASA. Dapat samantalahin na raw ito ng mga magbabakasyon, dahil posibleng dumating nang mas maaga ang panahon ng tag-ulan. Iyan ang patok na balita ni Apples Jalandoni. Bandila, Marso 18, 2013
Hollywood hearthrob na si Liam Hemsworth, nasa Pilipinas. Korean star na si Park Shin Hye, makakasama ng Pinoy fans bukas, at Justin Bieber, naglabas ng sama ng loob. Iyan ang mga patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Marso 15, 2013
Patok na tambalan nina Drew Barrymore at Adam Sandler, muling mapapanood. At daan-daang fan mail ni Taylor Swift, natagpuan sa basurahan. Iyan ang patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Marso14 , 2013, Huwebes
2013 swimwear collection ng Victoria's Secret , ibinida. Personal na impormasyon ng mga Hollywood celebrities at US officials, na-hack. At X-ray art ng photographer sa England, gumagawa ng ingay. Iyan ang mga patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Marso 13, 2013, Miyerkules
Magma-magic si Jim Carrey sa bago niyang pelikula na ipapalabas ngayong buwan. Tumabo naman sa takilya ang "Oz: The Great and Powerful" kaya pinaplano na ang sequel nito. Samantala, kinansela na ang show ni Justin Bieber sa Portugal. At si Lady Gaga, bali-balitang ikakasal na. 'Yan ang mga patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Marso 12, 2013, Martes
Iprinisinta na ngayon ang top 10 ng Philippine Military Academy Pudang Kalis class of 2013. Pasok dito ang 4 na babae na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng akademiya. Inspirasyon naman ang topnotcher na anak ng magtutuba sa Davao del Sur. Ang mga astig na PMA topnotchers sa pagba-Bandila ni Ada Sibayan. Bandila, Marso 11, 2013, Lunes


