
Nasungkit ng De La Salle Lady Spikers ang three-peat championship crown sa UAAP women's volleyball competition matapos walisin ang Ateneo Lady Eagles, 2-0 sa best-of-3 finals. Ang patok na balita, hatid ni TJ Manotoc. Bandila, Marso 6, 2013, Miyerkules
Tuluy-tuloy ang pagsikat ng dance craze na "Harlem Shake", pati mga sikat na personalidad, nakiuso na rin. Daang-libo na ang views ng kanilang viral videos sa YouTube. Iyan ang patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Marso 5, 2013, Miyerkules
Pasok ang 5 Pinoy sa Top 500 ng Forbes list ng mga bilyonaryo sa mundo. Nananatili namang numero uno sa listahan si Carlos Slim Helu ng Mexico na may net worth na $73 billion dahil sa kanyang telecom business. Ang iba pang pasok sa world's billionaires list, alamin sa patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Marso 4, 2013, Lunes
Kapamilya stars at shows, humakot ng parangal sa Golden Screen Awards. Anak ng celebrities, rumampa sa fashion show. At Korean pop group na 2PM magtatanghal para sa Pinoy fans. Iyan ang mga patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Marso 1, 2013, Biyernes
Maging sapatos ni Pope Benedict XVI papalitan din pagbaba niya bilang Santo Papa. Ang pulang papal shoes, papalitan ng loafers. Nangunguna naman sa mga pinagpupustahan ang cardinal mula sa Ghana, sa mga posibleng maging bagong Santo Papa. Iyan ang patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Pebrero 28, 2013, Huwebes
Nasa bansa ngayon ang Hollywood actor na si Patrick Adams ng hit TV series na "Suits." Kasama rin niya ang kanyang actress-girlfriend habang nasa Pilipinas plano ng dalawa na mag-relax sa beach. Iyan ang patok na balita ni Ginger Conejero. Bandila, Pebrero 27, 2013, Miyerkules
Tinaguriang Hollywood's most glamorous night ang Oscars. Kaya naman tinutukan ng husto ang fashion statement ng mga celebrities. Pero bukod sa mga winners, inabangan din ang mga nakakamanghang performances sa awards night. Iyan ang patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Pebrero 25, 2013, Lunes


