Another pre-need company in peril?
Posted at 07/24/2009 12:51 AM | Updated as of 07/24/2009 12:51 AM
Matapos ang kontrobersiya sa Legacy Plans, isa pang pre-need company ang inakusahan ng katiwalian. Ito ay ang Phil-Asia Care plans. Ayon nga sa mga dating empleyado nito, ibinulsa umano ng may-ari ng kumpanya ang bayad ng mga planholder. Kaya naman balak ng PEP Coalition na dalhin sa Senado ang isyu at palakasin pa ang kaso isasampa laban sa may-ari ng kumpanya. Nagpa-Patrol, Zen Hernandez. TV Patrol World, Huwebes, Hulyo 23, 2009







