Mga drop-out sinundan ni Karen Davila sa 'The Correspondents'

Posted at 06/22/2010 9:41 AM | Updated as of 06/25/2010 3:12 PM

Wala mang bundok o ilog na kailangang tawirin upang makapunta sa eskuwela, parami ng parami pa rin ang mga kabataang hindi na pumapasok sa Kamaynilaan.
 
Bakit nga ba patuloy ang pagda-dropout ng mga estudyante sa henerasyong ito? Alamin ang sagot sa pag-iimbestiga ni Karen Davila ngayong Martes (Hunyo 22) sa “The Correspondents.”
 
Ayon sa datos ng Department of Education sa school year 2008-2009, isa sa bawat 17  estudyante sa elementarya at isa sa bawat 13 estudyante sa high school ang nagda-dropout. Sa madaling salita, halos 30% ang hindi nakatatapos hanggang grade 6 at 50% na lamang ang nakapagtatapos ng high school.  
 
Kasama si Karen Davila, silipin ang buhay ng mga estudyante upang malaman kung bakit nga ba marami sa kanila ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral sa “The Correspondents” ngayong Martes (Hunyo 22) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

 


Bookmark and Share