VP Noli de Castro may ibubunyag sa 'Failon Ngayon'
Kabayan, balik broadcasting na nga ba?
Dalawang batikang brodkaster, magsasama sa isang umaatikabong paghaharap.
Tunghayan ang one-on-one interview ni Ted Failon sa isa sa pinakarespetadong mamahayag at papaalis ng bise-presidente ng bansa na si Noli De Castro ngayong Sabado (June 26) sa “Failon Ngayon.”
Sa napipintong pagtatapos ng termino ni Kabayang Noli sa gobyerno, tutuldukan na niya ang mga iskandalong ipinukol sa kanya tulad ng “midnight deal” sa Smokey Mountain Reclamation project, at mga biktima ng bagyong Ondoy na diumano’y inilipat sa lugar na walang tubig, kuryente, at maayos na trabaho.
Sasagutin din niya ang mapangahas na katanungan kung paano maging isang bise presidente sa isang pangulong tila nakadikit sa pangalan ang korupsyon at kontrobersya.
Ano na nga ba ang plano ngayon ni Kabayan? Babalik na nga ba siya sa mundo ng broadcasting?
Huwag palalampasin ang ‘‘Failon Ngayon’’ ngayong Sabado (June 26), 5:30 PM, sa ABS-CBN. Bumisita lamang sa www.abs-cbn.com, teamkapamilya.multiply.com, o sundan ang abscbndotcom sa Twitter para sa mga updates.
I hope kabayan Noli de Castro
I hope kabayan Noli de Castro goes back to broadcasting. When I was in college I always see to it that I catch him on Magandang Gabi Bayan. He is one of the best in this field...