LPG safety alamin sa 'Failon Ngayon'

Posted at 07/09/2010 2:55 PM | Updated as of 07/09/2010 2:55 PM

Ano nga ba ang kuwento sa likod ng trahedyang sinapit ng pamilya Retiro pati mga kapitbahay nito sa Quezon City matapos sumabog ang kanilang LPG tank?

Bigla ngang sumambulat ang malakas na apoy sa tahanan ni Richan Retiro nang sumingaw at nagliyab ang LPG na gagamitin sana niya sa pagluluto. Dahil diki-dikit ang mga bahay sa nasabing lugar, pati mga dumadaan na kapit-bahay ay inabot ng apoy.

Labintatlong katao ang biktima ng trahedya, kabilang na rito si Richan at tatlo pa nitong kamag-anak pati na ang isang walong-buwang gulang na sanggol na matapos ang dalawang araw ay pumanaw na.
 
Samantala, itatampok din sa “Failon Ngayon” ang kwento ni Yaya Viring, isang 77-taong gulang na kasambahay na bagamat hindi napapa-sweldohan ng amo nito dahil sa problemang pinasyal ay patuloy pa ring naninilbihan bilang yaya upang alagaan ang isang alagang batang may kapansanan.

Huwag palampasin ang lahat ng iyan ngayong Sabado (July 10) sa “Failon Ngayon” sa ABS-CBN.

 


Bookmark and Share