Anak ni Kuya Kim, magpapasikat sa 'Matanglawin'
Mukhang may humahamon kay Trivia King Kuya Kim.
Ang kanyang sariling anak, si Jose Atienza, ay magpapamalas ng kanyang galing sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga alagang hayop o pets.
Sundan ang mag-ama sa kanilang paghahanap ng mga di-pangkaraniwang pets at alamin ang kwento ng mga batang nag-aalaga ng mga ito, ngayong Linggo sa "Matanglawin."
Aalamin din ni Kuya Kim ang adbokasiya ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at mga pinaglalaban nito, pati na ang iba't ibang paraan ng pagpapaganda sa mga alagang hayop sa kanyang pamamasyal sa isang pet salon.
Samantala, kikilalanin din ng Trivia King si pet lover Sam Bartolaso na may kaharian ng mga Peruvian guinea pigs, pati na rin ang isang mapangahas na batang babae na nag-aalaga ng isang Burmese python na lumalaki ng 20 feet at halos kasing-bigat ng 2 sakong bigas.
Huwag palampasin ang lahat ng iyan ngayong Linggo (July 25) sa "Matanglawin" sa ABS-CBN.