Krusada: Silang may mga kapansanan

Posted at 07/25/2012 6:01 PM | Updated as of 07/26/2012 2:38 PM

Kaawa-awa at walang silbi—iilan lang ito sa pangkaraniwang tingin sa mga may kapansanan. Mahirap ang mapabilang sa kanila. Dahil higit pa sa kapansanang taglay, tila mas masakit ang panghuhusgang ibinabato sa mga persons with disability (PWD), pati na rin ang kakulangan sa pagtulong sa kanila ng lipunan.

Photo courtesy of Paul Santos

Sinu-sino ba ang mga taong may kapansanan? Ayon kay Carmen Zubiaga, Acting Executive Director ng National Council for Disability Affairs (NCDA), ang mga PWD ay silang may mga pisikal, mental o intelektwal na kakulangan na siyang humahadlang sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Mahigit kalahating milyon ang mga PWD sa bansa. Ngunit noong 2006 lamang nagkaroon ng depinisyon kung sino ang maituturing na mga PWD. Nakapaloob ito sa UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities. 82  bansa ang pumirma sa Convention, kabilang ang Pilipinas.

Kakabit ng kasunduan ang obligasyong itaguyod at proteksyunan ang karapatang pantao ng mga may kapansanan.

Sa madaling salita, tungkulin ng lipunan na sila’y tanggapin at pangalagaan.

“You cannot cure your disability but you can only adapt society to your disability, and not have your disability adapt to society,” sabi ni Zubiaga.

Kasama ng grupong Vera Files, babalikan ng Krusada at ni Karen Davila ang isang isyu na malapit sa kanyang puso. Sa pagtatapos ngayong taon ng Philippine decade of Persons with Disabilities, kumustahin natin muli ang kalagayan ng mga kababayan nating PWD.

Photo courtesy of Paul Santos

“Sa dami ng naipasang batas para sa mga may kapansanan, nasaan na nga ba tayo sa ating pangako na proteksyunan ang kanilang karapatan, at pagyamanin ang kanilang kakayahan?” tanong ni Karen.

Mapapanood ang Krusada: “Silang may mga Kapansanan” sa Huwebes, ika-26 ng Hulyo, 9:15 ng gabi sa DZMM TeleRadyo (Sky Cable Channel 26) at pagkatapos ng Bandila sa Channel 2. Mapapanood naman ang replay nito sa July 28 (Sabado), 1:30 ng hapon sa ANC.

Madali ninyong maibahagi ng inyong mga opinion sa aming Facebook at Twitter accounts! Magpunta lamang sa http://facebook.com/Krusada at http://twitter.com/krusadaTV. Ipinapalabas ang inyong mga kumento sa telebisyon tuwing Krusada sa DZMM Teleradyo.

Para naman mapanood ang nakaraang apat na episodes ng Krusada, bisitahin lamang ang aming official website: http://abs-cbnnews.com/krusada.

Air date: July 26, 2012