Salamat Dok: Top 5 Pinoy vegetables

Posted at 09/10/2011 12:04 PM

“Sitenta porsyento (70%) ng bitamina’t mineral ay nawawala kapag nainitan o niluto ang gulay. Trenta porsyento (30%) lamang ang natitira dito at napapakinabangan ng ating katawan. Mas mabuti pa ring kainin ng hilaw ang gulay,” payo ni dating Health Secretary at Integrative Medicine advocate Dr. Jaime Galvez-Tan.

Halos araw-araw kapiling natin ang gulay sa ating mga lutuin sa kusina. Alam nating maganda ang mga ito sa ating kalusugan para makaiwas sa sakin. Anu-ano ba talagang particular na naidudulot ng gulay sa ating katawan?

Narito ang 5 pangunahing gulay sa mga Pinoy na talaga namang siksik sa nutrisyon!

Kangkong

  • Mataas ang S-methyl Methionine na ginagamit sa sakit sa sikmura at tiyan
  • Mayaman sa Vitamin A para sa malinaw na paningin at makinis na balat; at sagana rin sa Iron para sa anemia
  • Mainam laban sa altapresyon

Talbos ng Kamote

  • Tumutulong mapatay o mapigilan ang pagdami ng fungi at bacteria
  • Pinahuhupa ang namamagang balat o bahagi ng ilong, bibig at alamunan
  • Mayaman sa calories, Vitamin A at iron
  • May calcium at phosphorus
  • Tanging gulay na may iodine
  • Nagpapababa ng blood sugar at cholesterol
  • Nagsasaayos ng normal na pagdumi
  • Aphrodisiac (pampagana sa sex)

Dahon ng Sili

  • Mayaman sa calcium at iron
  • May phosphorus, Vitamin A at B
  • Nagpapalakas ng resistensya
  • Panlaban sa sobrang pagod
  • Aphrodisiac (pampagana sa sex)
  • Nagpapaganda ng panunaw
  • Naglilinis ng dugo at daloy nito
  • Panlaban sa rayuma
  • Nagpapababa ng blood pressure, blood sugar at cholesterol
  • Nagpapaginhawa ng pananakit ng sikmura, arthritis, varicose veins at puson
  • Nagpapaginhawa ng paghinga (asthma, ubo at sipon)

Malunggay

  • Itinuturing na miracle vegetable
  • Nagpapaganda ng panunaw
  • Ginagamit na panlinis sa sugat
  • Tumutulong maibsan ang pananakit ng tainga at sakit ng ulo
  • Mayaman sa Vitamin A at B
  • Mayaman sa minerals (calcium at iron) at protina
  • Nakakatulong sa mga nagpapasusong ina
  • May phytochemical niaziminin na pumipigil sa pagdami ng cancer cells
  • Siksik sa antioxidant

Saluyot

  • Mayaman sa
  1. Beta-carotene para sa malinaw na paningin
  2. Iron para sa malusog na red blood cells
  3. Calcium para sa matibay na buto at ngipin
  4. Vitamin C para sa makinis na balat at maayos na daloy ng dugo
  • Pampalakas ng resistensya
  • Nagpapabilis sa paggaling ng sugat

Kung gusto n’yong makuha nang 100% ang bitamina’t mineral mula sa mga gulay na ito, kainin ito ng hilaw. Maging malikhain sa paghahanda. Maaaring gumawa ng salad. Bisitahin ang link na ito para sa recipe!

http://www.abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/08/02/11/salamat-dok...

July 30, 2011