Salamat Dok: 2 ways to treat Athlete’s Foot

Posted at 10/20/2011 11:35 AM | Updated as of 10/21/2011 5:21 PM

Tag-ulan. Uso ang baha, uso rin ang alipunga! “Ang alipunga ay galing sa fungus na Tinea pedis. Ito’y kuma¬kalat sa pagitan ng mga daliri ng paa. Dahil dito, nagka¬kasugat at nangangati ito,” ayon kay DOH Consultant Dr. Willie Ong.

Kapag hindi binigyang pansin agad ang sakit sa balat na ito, mangangamoy ang paa at makakahawa pa! Narito ang ilang natural at conventional na pamamaraan kung paano ito gamutin:

Home remedy (Alternative medicine)

Suka

- Maglagay ng katamtamang dami sa bulak
- Ipahid sa apektadong parte ng paa
- Patuyuin nang 30 minuto at banlawan.

- Maaari ring maglagay ng katamtamang dami tubig sa isang palanggana.
- Lagyan ng tatlong kutsaritang suka.
- Ibabad ang paa ng 15 hanggang 30 minuto. Gawin 2 beses isang araw.
- Siguruhing tuyung-tuyo ang paa bago mag-tsinelas o mag-medyas.
- Paarawan ang mga sapatos, tsinelas at iba pang isinusuot sa paa.
- Epektibo ang suka sa pagpatay sa mga fungus dahil sa acidity nitong taglay

Asin

- Maglagay ng maligamgam ng tubig sa palanggana.
- Haluan ng isang kutsarang asin
- Ibabad ang mga paa ng 10 minuto
- Tuyuing mabuti.
- Gawin sa gabi bago matulog.

Baking soda

- Ihanda ang maligamgam na tubig sa palanggana.
- Lagyan ng katamtamang dami ng baking soda.
- Ibabad ang mga paa sa loob ng 30 minuto isang beses isang araw. Mas mainam itong gawin sa gabi.

- Maaari ring ipahid nang direkta sa apektadong parte ng paa ang baking soda lalo pagkatapos maligo sa gabi.
- Siguruhing pantay ang pagkakalagay lalo na sa pagitan ng daliri.
- Gawin ito araw araw hanggang mawala ang infection.
- Ang baking soda o sodium bicarbonate ay tinatawag na world class anti-fungal

Gamot (Conventional medicine)

Dagdag ni Dr. Ong, “Ang mga fungal infections sa balat tulad alipunga ay maga¬gamot ng mga anti-fungal cream tulad ng Ketoconazole.”

- Ipahid ito ng dalawang beses sa maghapon.
- Gawin ito sa loob ng dalawang linggo hanggang gumaling.
- Kapag hindi pa rin mawala, kumun¬sulta sa doktor o dermatologist.

Mga dapat tandaan

  • Sumangguni muna sa doctor kung first time n’yong magkaroon ng alipunga lalo na kung hindi ito gumagaling.
  • Hugasan ang kamay pagkatapos linisin ang paa upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.
  • Linising mabuti ang mga lugar na infected ng fungus upang hindi makahawa. -- with reports from Rowena Campoy, Segment: May Remedyo Dyan!, July 10, 2011

Sources: frugalliving.about.com, ezinearticles.com, natural-cures-for.com, philstar.com