Abangan sa Engkwentro: 'Anak'

Posted at 12/07/2012 11:19 AM | Updated as of 12/07/2012 11:47 AM

Pinag-uugnay ng isang ina sina Severino "Kosa" Frias at Rochelle Aragon. Anak ni Nanay Viviana si Severino, habang manugang naman niya si Rochelle.

Magkapamilya na silang maituturing ngunit hindi magkasundo ang dalawa lalo na kapag ang ina ang pinaguusapan. Ang dating walang tigil na bangayan lang, umabot na sa sukdulan.

Photo1: Reenactment

 Ang kanilang engkwentro sa bahay, umabot na sa barangay.

Ang matapang na si Rochelle, handang pumatay para lang maipagtanggol ang matangdang biyenan. Pero si Kosa, takaw-gulo na, bastos pa!

Ang mas masaklap pa rito, mismong si Kosa pa pala ang makakabangga niya pagdating sa pagtatanggol sa buhay ng itinuturing na ina.

“Isipin mo nga sarili mong anak, magtatangkang patayin ka? Wala naman akong kasalanan”, hindi makapaniwalang pahayag ni Nanay Viviana.

Para sa Pinoy True Stories, dadayuhin ni Karen Davila ang Barangay 101, Vitas, Tondo upang himayin ang kwento at ang kasong isinampa ni Rochelle laban kay Kosa.

Paano nga ba masusukat ang pagiging isang tunay na anak? Sapat na ba ang pagiging magkadugo, o kung sino ang tapat na nagbibigay ng malasakit sa magulang?

Bilang isang anak, ano ang kaya mong gawin para sa kapakanan ng iyong ina?

Abangan ang kaagapay niyo sa paghahanap ng solusyon sa anumang alitan! Mapapanood ang “Engkwentro: Anak” sa Martes (Disyembre 11), 4:45 ng hapon sa Kapamilya Gold.