Two scions of veteran stars to go bold in 2009

Posted at 01/07/2009 12:09 PM | Updated as of 01/07/2009 12:09 PM

Dalawang kadugo ng mga beteranong artista ang nakatakdang maghubad sa pelikula ngayong 2009.

Sila ay sina Jam Melendez, kapatid ni Aiko Melendez sa amang si Jimi Melendez, at si Ram Alvaro, anak ng action star na si Dan Alvaro.
 
Kung noong ipinakilala si Jam sa isang pelikula ni Assunta de Rossi sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes para sa Regal Entertaiment ay may seksi na siyang eksena, sa pelikulang “Oliver: Ikaw O Ako” ng produksyon ng peryodistang pampelikula na si Danny Batuigas ay hubot’ hubad na si Jam.

Ayon kay Batuigas, pumayag maghubad sa pelikula ang kapatid ni Aiko dahil mapaghamon ang papel na kanyang ginagampanan.

Sinabi ni Batuigas na papel ng isang ayaw pabukong bading ang katauhan ni Jam.

Natapos na ang shoot ng pelikula ngayong 2009 at inihahanda na ang pagtatanghal nito ngayong taon ding ito.

“Hindi kami nahirapan na kumbinsihin si Jam na mag-bold. Kasi, nang mabasa niya ‘yong script, nagustuhan niya ‘yong role. Lead role talaga siya at mahalaga sa pelikula ang kanyang character,” pahayag ni Batuigas.

Samantala, isang annotator at actor ang papel na gagampanan ni Ram sa pelikulang “Strictly Confidential Confessions of Men (MSM),” ang dating “Men Having Sex With Men” ng Outline Films sa direksyon ni Jowee Morel.

Napapayag agad ng kumpanya na maghubad si Ram sa isang mala-dokyumentaryong pelikula tungkol sa gay sex relations at ang mga kaalaman tungkol sa HIV at AIDS.

“Isang kausap lang ni Tito Dennis Adobas sa kanyang alaga, pumayag agad si Ram. Kaya nakapag-usap agad kami at pumirma agad siya ng kontrata sa Outline Films,” pahayag ni Morel.

Kung sa pelikulang “Latak” ng Outline Films ay papel ng isang pulis na nang-aakit ng bakla ang karakter ni Ram, sa “Strictly Confidential Confessions of Men (MSM),” papel ng isang naglalantad ng mga problema at kaalaman sa sex para makatulong sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon ang papel ni Alvaro.

Sinabi ni Morel na hindi niya babastusin si Ram sa kanyang pelikula. “Kilala naman ako ng tao. Kahit na nai-X ako ng Movie


Bookmark and Share

Links