Vilma Santos needs governors' approval for 2010 polls
BONGAO, Tawi-Tawi—Sinabi ni Governor Sadikul A. Sahali ng Autonomous Region of Muslim Mindanao ng bayan na ito na kailangan munang kunsultahin ni Vilma Santos ang kapisanan ng mga gobernador sa buong Pilipinas bago kumandidato ang aktres sa mas mataas na posisyon.
Ayon kay Governor Sahali, ito ang isa sa mga proseso bago makapagdeklara si Vilma, ang kasalukuyang gobernador ng Batangas, na lumaban sa pagka-bise presidente.
Lumutang ang isyu nang lumabas sa mga pahayagan na kakandidato si Santos bilang pangalawang pangulo.
Noong una ay tinayang kakandidato rin si Ate Vi bilang senador o kongresista subalit mas naging matindi ang ulat na pagka-bise-presidente ng Pilipinas ang kanyang tinatarget o inaakay sa kanya ng mga tagasuporta.
Sinabi ni Sahali na bilib siya sa pagiging pulitiko ni Governor Vi dahil madalas niyang nababalitaan ang mga opisyon nito sa kanyang lalawigan.
“I respect and admire her as a public servant,” pahayag ni Sahali ngayong Lunes ng umaga sa Kapitolyo ng Lalawigan ng Tawi-Tawi.
“Madalas ko rin siyang makasama sa mga miting dahil pareho kaming members ng League of Governors of the Philippines,” dagdag pa ng Muslim na gobernador.
Kaya lang sa pagkakataong ito anya, kung pagka-vice president ang tatabuhan ni Vi ay kailangang kunsultahin ang organisasyon.
“She should meet with us about it,” sabi pa ni Sahali.
Idinagdag ng Tawi-Tawi Governor na magkikita na naman sila ni Vilma Santos-Recto sa nalalapit nilang pulong ng mga gobernador sa buong kapuluan.
Sinabi ng malalapit kay sahali na isa marahil ang posisyong ito sa tatalakayin sa miting.
Samantala, maugong din ang usap-usapan na tatakbo si Baby Vi bilang bise-presidente ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa darating na eleksyon sa 2010.