Sarah Geronimo, kinilig sa ‘stolen kiss’ ni John Lloyd Cruz?

Posted at 02/08/2009 11:31 AM | Updated as of 02/08/2009 11:38 AM

Muli na namang magtatambal sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pelikulang "You Changed My Life" na ipapalabas na sa February 25.

Sa pagharap ni Sarah sa bagong Screentriga segment ng "Entertainment Live" ay napag-usapan ang biglang paghalik sa kanya ni John Lloyd onstage sa huling major concert ng Pop Star Princess.

Natatawa si Sarah habang pinapanood ang video clip ng stolen kiss pero nilinaw naman niya na wala nang ibang ibig sabihin ang halik sa pisngi mula kay Lloydy.

“Nasa script ‘yun. Pero binibitin ko lang. Nagulat nga siya (ang Mommy Divine ni Sarah).” Tuwang tuwa naman si Sarah na ang nasabing kiss ang naging highlight ng kanyang super successful concert.

Napag-alaman din na sina Sarah at John Lloyd ay parehong may white High-Ace Grandia na sasakyan na kanilang ginagamit tuwing may shooting. Ang totoo ay si Sarah ang naunang nagkaroon ng ganoong klase ng sasakyan at nahikayat lang si John Lloyd na ganun na rin ang bilhin.

“Impractical daw kasi ‘yung ginagamit niyang isang malaking sasakyan. Kailangan niya ng mas malaking space para sa mga gamit niya. Nasabi na lang niya na, ‘Uy sorry. Gaya-gaya ako.’ Kasi ‘yun lang ‘yung pinaka-okay na van ngayon.”

Ang "You Changed My Life" ay ang handog-pasasalamat nina Sarah at John Lloyd sa lahat ng nanood ng "A Very Special Love", ang pelikulang una nilang pinagtambalan na naging big box-office hit ng 2008.

Bukod sa paggawa ng mga blockbuster movies ay mabentang-mabenta pa rin si Sarah sa concert scene.

Sa March ay aalis si Sarah para sa The Next One: The US Concert Tour kasama sina Mark Bautista, Charlie Green, at Billy Crawford. Abangan ang Pop Star Princess sa Guam (March 13), Honolulu (March 16), Anaheim, California (March 21), Las Vegas (March 22), San Francisco (March 28), Stockton (March 29), Seattle (April 3), Reno, Nevada (April 4), New Jersey (April 12), Houston (April 17), Chicago (April 18), at San Diego (April 24).

For more updates on Sarah and other Kapamilya celebrities, keep logging on daily to www.abs-cbn.com.