Judy Ann Santos ready for her second honeymoon

Posted at 02/08/2010 7:34 PM | Updated as of 02/08/2010 7:34 PM

MANILA, Philippine - Last episode na ng weekly rom-com (romantic comedy) series na “George and Cecil” noong Linggo ng gabi, kung kaya’t nakatakdang magbakasyon muna sina Judy Ann “Judai” Santos at asawang si Ryan Agoncillo sa loob ng isang buwan abroad.

Matagal rin ang paghahanda ng mag-asawa dito na ikinokonsidera nilang second honeymoon.

“Nagkataon na sabay-sabay (ang celebrations). Birthday ni Ryan, tapos anniversary namin, tapos birthday ko, tapos sakto siya sa loob ng isang buwan, April and May,” kuwento ng Teleserye Queen sa interview ng “The Buzz.”

Umeere na rin ngayon ang teleseryeng “Habang May Buhay” na magtatagal umano ng 18 weeks o 3 buwan, ayon na rin mismo kay Judai. Maaaring by this time ay natapos na nina Judai ang last taping days ng nasabing teleserye na 3 years in the making.

Ang inaalala lang ngayon ni Judai ay ang mapalayo sa kanyang adopted daughter na si Yohan na hindi sasama sa kanila.

“Kakayanin ko bang mawala si Yohan sa tabi ko? Kasi kapag mahal na mahal na mahal mo ang isang tao, hindi mo kakayaning mag-survive ng isang araw na hindi mo man marinig ‘yong boses or malaman kung okay siya. Atsaka ‘yung pupuntahan namin hindi pam-bagets, pang-couple siya,” kuwento ni Judai.

Vocal din sa pagsasabi si Judai na mula sa gagawing one month vacation ay sana makabuo na sila ng baby bukod pa sa time nila ito ni Agoncillo para sa isa’t isa, na sobrang naging busy sa mga showbiz commitments since they got married.

“Gusto ko dalawa agad (ang baby) kasi natatakot akong manganak parang mas masaya, mas magulo ‘yong bahay,” biro pa ng aktres. “Kung hindi man ibigay (na kambal) basta magiging healthy ‘yong baby.”

Masayang ibinalita rin ni Judai na maayos na ang kalagayan ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo na kamakailan ay isinugod sa ospital dahil sa umano’y heart problem.

Ipina-executive checkup na umano niya ang manager upang malaman kung ano ang problema nito sa kalusugan. Ani pa Judai, healthy lifestyle ang kailangan ngayon ni Alfie upang manatiling malusog.


Bookmark and Share

Links