Sam Milby bares project in Japan
MANILA, Philippines - Sadyang malayo na nga ang nararating ng premyadong aktor at musician na si Sam Milby.
Maliban kasi sa naabot niyang rurok ng tagumpay sa kinabibilangang larangan dito sa ating bansa, tinatayang hinahangaan na rin ang aktor sa labas ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, nakaani na rin di umano ng napakaraming tagahanga ang aktor sa Japan, gawa na rin ng pag-usbong ng career niya sa naturang lugar.
Madalas mabalitaang pabalik-balik ng Japan si Milby. At ang dahilan nga sa likod nito’y ang pagkakaroon niya di umano ng pagkakataong ibahagi ang angkin niyang talento’t charisma sa naturang bansa. Apparently, nagkaroon ng isang magandang job opportunity si Milby doon, na malugod naman niyang ikinuwento sa “SNN: Showbiz News Ngayon.”
Pagbabahagi nga niya: “I actually have an endorsement sa Japan, that’s why pabalik-balik ako doon.”
But despite this big break, agad namang inamin ni Milby na nananatiling matabang ang love life niya as of now. In fact, wala di umano siyang date ngayong paparating na araw ng mga puso—taliwas na rin sa paniniwala ng ilan na sabay nilang ice-celebrate ito ng ex-girlfriend niyang si Anne Curtis.
For him, this coming February 14 is an official workday.
Maikling pagbabahagi nga niya patungkol sa kanyang plano: “May concert ako sa Bulacan. ‘Yon lang ang gagawin ko sa Valentine’s Day.”