Cueshe holds Valentine’s concert in Lanao del Norte
![]() |
| Photo from Cueshe's Official Web Site |
LUBOD, Lanao del Norte—Sa kauna-unahang pagkakataon, dinayo ng sikat na bandang Cueshe ang bayan na ito upang magtanghal ng Valentine’s Day concert.
Pinangugunahan ni Jay Justiniani, pinatunayan ng grupo na walang gulo sa lugar na ito kaya malakas ang kanilang loob na magtanghal dito.
Sa panayam kay Jay nang dumalaw siya sa tahanan ng direktor ng kanilang MTV na “There Was You” na si Jowee Morel, sinabi ng bokalista ng banda na walang hanggang ang pagdating ng pagsubok sa kanyang personal na buhay gayundin sa buhay ng kanilang grupo.
“I am the kind of a person who loves challenges. Masyado akong walang inuurungan. Pag sinabi ng iba na hindi maganda ang ugali ng isang tao, hindi agad ako nagpapaapekto. I see it for myself. I want so prove or disprove it myself,” pahayag ni Justiniani.
Kaya ang mga lugar na sinasabing delikado at mahigpit ang seguridad dahil sa kaguluhan sa kanayunan ay hindi pinaniniwalaan ng grupo.
Pinamagatang “A Valetine’s Date with Cueshe Band,” ang pagtatanghal ay idinaos sa MCC Gymnasium.
Pagkatapos na pagkatapos magtanghal nina Angelica Jones at Ate Shawie, ang impersonator ni Sharon Cuneta, sa venue noong Biyernes ng hapon para sa “Wastong Nutrisyon: Alamin, Gawin at Palaganapin” ng National Nutrition Council at Work in Progress Media Productions, inayos agad ang entablado para sa pagsampa ng Cueshe Band kinabukasan ng gabi.
“Sold out na ang tickets sa show ng Cueshe Band, parang sa show din nina Angelica at Ate Shawie,” pahayag ni Dr. Gavina Gabiles.
Kahit dalawandaang piso ang halaga ng tiket sa concert ay hindi nagmaramot ang mga tagarito na makibahagi sa pagdiriwang ng Valentine’s Day sa Cueshe band at sa kanilang mga kababayan.
Kinanta ng banda ang “There Was You,” ang pinakahuli nitong recording na ang MTV ay tinampukan ng mahuhusay na aktor at aktres ng pelikula, telebisyon, patalastas at tanghalan na sina Pia Millado at Ram Alvaro, ang anak ni Dan Alvaro na umurong sa paghuhubad para sa pelikulang “Strictly Confidential: Confessions of Men” ng Outline Films ni Morel.
Ayon kay Justiniani, nais ng kanyang grupo na pasayahin ang lahat ng klase ng Filipino sa buong bansa anuman ang paniniwala, relihiyon o uri ng pagkatao ng mga ito.
