Judy Ann Santos on having kids: 'We’re just taking our time'
MANILA, Philippines - Blooming pa rin ang Reyna ng Soap Opera na si Judy Ann “Judai” Santos noong humarap sa press launch ng dati na niyang ini-endorse na feminine wash na Lactacyd.
Wish ni Judai na makatulong ang kanyang feminine wash sa mabilis na pagkakaroon nila ng baby ng mister nyang si Ryan Agoncillo.
“Ano ‘to, spermicidal,” natatawang sabi ni Judai. “Pero happy naman si Ryan sa paggamit ko ng Lactacyd.”
Kumusta na nga ba ang pagbuo nila ng baby ni Agoncillo?
“Dahan-dahan lang ‘yong trabaho, taking our time. Kung mangyayari, mangyayari kasi parang feeling ko the more na iniisip, the more na hindi natutuloy. So, dasal na lang dasal. Basta ine-enjoy ko na lang muna ang ganitong sistema ng pangangatawan ko. Tsaka ko na pro-problemahin kapag 40 na ako. Kapag wala pa ako’ng baby, Teka muna, mag-iisip na ako,” aniya.
Plano nina Judai at Agoncillo na magbakasyon sa Europe mid-April at babalik sila ng last week ng May.
“Travel lang talaga. Plano namin Europe kasi ‘yong mga places na hindi namin napuntahan nu’ng last time na nag-Europe trip kami, maga-ano lang, mamasyal, sight-seeing, turista.”
Made in Europe ba ang first biological baby nila ni Agoncillo?
“Sinumulan na naman namin (laughs). Sinumulan na naman namin kaya lang hindi talaga mabuo-buo.”
Kung after ng Europe trip nila wala pa ring mabuo, maga-adopt na lang ba sila ulit?
“Ngayon hindi pa. Bata pa kasi kami pareho. Marami pa’ng posibilidad na pwedeng gawin. Maybe hindi pa lang talaga ito ang tamang panahon. Maybe gusto ng Diyos na enjoyin muna namin ang time namin as a newly married couple. Maybe gusto rin ng Diyos na enjoyin ko muna ang katawan ko, Wala, mas maraming possibilities kung bakit hindi pa nakakabuo. Pero we’re just taking our time. Kung nu’ng una napre-pressure ka ngayon mas relax na ako. Wala nang pressure. Kasi ganu’n talaga, e. Okay lang naman.”
Nao-offend pa rin ba si Agoncillo kapag natatanong ang tungkol sa ‘di pa nila pagkakaroon ng anak?
“Ha? Hindi naman siya na-offend kahit kailan. Natatawa na nga lang siya kasi at least totoong mas marami ang gustong magka-baby kami kaysa mga taong nagsasabi na tigilan na namin ang pagbuo ‘di ba? So, mas naniniwala kami na marami palang tao na gustong makabuo kami ng magandang pamilya.”
May lumabas na balita na ang-undergo siya ng isang treatment para mabutis. Totoo ba?
“Hindi naman po nag-undergo ng treatment. Work-up lang. I guess, sa mga bagong kasal na mga couple ‘yung babae lalo na kapag nasa 30’s na may work-up lang na pinagdadaanan. It’s not really a treatment na talagang kailangan mo’ng gawin para magka-baby ka na. It’s just to prepare your system. Para pag nabuo na ‘yung baby settled na ‘yung sistema mo at magiging maayos ‘yung baby sa loob ng tiyan mo.”
Paano sila nag-celebrate ang Valentine’s Day?
“Nag-out-of town lang kaming tatlo (Ryan and Yohan, ang adopted daughter ng mag-asawa). Nagpunta lang sa Batangas tapos natulog lang ulit kami. Sa Anilao, sa Batangas. Hindi na kami nag-gift sa isa’t isa kasi ano na, e, hindi naman dahil sa mag-asawa na kami. Kumota na kami sa gastos last year. Next year na muna. Ipon muna kami ngayon,” tapos ni Judai.