Jake Cuenca denies he’s using steroids

Posted at 03/03/2010 8:14 PM

MANILA, Philippines - Proud na rumampa at puno ng confidence dahil sa bago niyang seksing katawan ang aktor na si Jake Cuenca sa ginanap na Bench Body grand launch/fashion show.

Si Cuenca ang celebrity endorser ngayon ng summer underwear collection ng Bench.

“Sobrang thankful ako. Sobrang bilis ng kutob puso ko pa rin. Kabadung-kabado ako kanina pero I don’t know. Gusto ko lang talagang magpasalamat sa Bench dahil binigyan nila ako ng launching na ganito. First time ako na nagkaroon ng parang ganitong launch na ako lang talaga kaya sobrang pasasalamat ako at kaya rin ako lumuhod kanina dahil sa sobrang pasasalamat ko sa mga taong nandito,” pahayag ni Cuenca pagkatapos ng fashion show.

Nabitin naman ang iba na naghihintay na makitang rumampa si Cuenca na naka-underwear. Hanggang topless lang kasi siya with matching pantalon sa ibaba nu’ng rumampa si Jake for Bench Body launch/fashion show.

“Siyempre meron pa’ng susunod ito, malapit na rin ‘yun. At least doon meron nang aabangan ang tao ‘di ba?”

Ang tinutukoy niya ang ang malakihang launch ng Bench sa darating na July 2. At dahil siya na raw ngayon ang flag carrier ng Bench Body kaya ine-expect ng marami na siya ang pinaka-bongga sa magaganap na Bench fashion show on July 2.

“Ang sa akin pagdating sa Bench fashion show kahit saang spot nila ako ilagay it doesn’t matter to me kasi ‘yang Bench fashion show na ‘yan ang nakapagbigay sa akin ng bagong path sa career ko, nakapagbigay ng oportunidad sa akin sa ABS-CBN kaya ang sa akin malagay lang ako sa fashion show na ‘yun malaking bagay at saka I’ll do my best to make my portion entertaining.”

Marami ang humanga sa ganda ng katawan ngayon ni Cuenca with matching six-pack sa kanyang abs. Pero may intriga ring kaakibat ang magandang katawan ngayon ni Cuenca.

Hindi raw kaya gumamit si Cuenca ng steroids kaya gumanda ang katawan niya ngayon?

“Ang sa akin naman kasi I really work hard sa gym. Binigyan ako ng dalawang buwan tatlong buwan para paghandaan ito. Sumakto nu’ng tapos na ang Tayong Dalawa noon, wala na ako’ng trabaho. Kaya kinarir ko talaga araw-araw ako sa gym. Kahit may taping o wala akong taping naggi-gym ako. At the same time, diet sobrang kinarir ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tinatapos ‘yung pagda-diet ko.”

Ano ba’ng klase ang ginagawa niyang pagdadiet?

“Una na kapag taping nagbabaon ako ng dalawang de lata ng tuna. ‘Yun lang ang kinakain ko. Tapos pagdating sa bahay, ako chicken turkey o fish lang. No carbs. Kalaban natin ang carbs.”

Happy na siya sa katawan niya ngayon?

“Sa ngayon masayang-masaya na ako dito. Pero may pinaghahandaan pa ako na Agimat. Gusto ko naman maging malaki doon. Kasi syempre pagdating ng Agimat pagbabalik ko naman ‘yung sa action from Palos and Tayong Dalawa. So, gusto ko naman ibigay lahat. Gusto ko’ng ibigay ang buong sarili ko sa proyektong ‘yun kaya nagpapalaki ako for that.”

Na-offend ba siya nu’ng ipinatanggal ang Bench billboards nya sa EDSA?

“More than that nu’ng nakitang ko nakatayo ng tatlong linggo ‘yun proud na ako kasi dream come true na ‘yun para sa akin. Thank you pa rin. Pero syempre kumbaga everything happens for a reason, everything fell into place, ‘tsaka ayun, gusto ko lang talagang magpasalamat sa lahat ng taong pumunta dito. Ina-appreciate ko talaga nag-stop sila para manood at suportahan itong fashion show namin.”

Pero inaaamin ba niya na kahit paano nakatulong din ‘yung isyu ng pagpapatanggal sa billboard niya para lalo pa’ng umingay ang pangalan niya at ang Bench?

“Sa akin everything happens for a reason. Siyempre, ang sa akin lang talaga as an endorser of Bench ginawa ko ‘yung hiningi nila sa akin. Ginalingan ko, siyempre ito na rin ang sinukli ko sa kanila sa binigay nila sa akin na launching and campaign at ‘yung mga bagay-bagay na nagyari pagkatapos noon It just happen for a reason ang sa akin lang naman gusto ko’ng magpasalamat sa Bench dahil binigyan nila ako ng oportunidad na ganito talaga.”

Sabi ng iba malaswa raw kasi ang pose niya sa billboard kaya binaklas. Ano’ng masasabi niya?

“Tulad ng sinabi ko kanya-kanyang ano, kumbaga interpretation and at the same time ‘yung ganu’ng klaseng billboard minsan nakaka-apeaal sa iba minsan hindi . Ah, pero hindi ko desisyon ‘yun. Hindi ko na desisyun ‘yun kung itataas o ibababa. Basta ako naniniwala ako sa Bench, binigyan nila ako ng campaigan at ginalingan ko talaga.”

Nakita na ba ni Melissa Ricks ang kanyang six-pack?

“Sa ASAP at sa ‘Cheating Hearts," ngiti ni Cuenca.

Ano’ng reaksyon niya?

“Tinext niya ako bago mag-show. So, kahit papano nakaka-gaan ng loob. Nag-text siya ng ‘Goodluck. Do your best.’ Sobrang nakakagaan ng loob. Sabi niya, ‘You’re ready.’”

Binigyan ba niya si Melissa ng gift last Valentine’s Day?

“Nu’ng Valentine’s day ano, e, busy din, e. Pero kahit paano masaya naman kahit paano nakapag-usap kami sa telepono. That’s more than enough for me. That made my Valentine’s special. Kung ano ‘yung gift ko sa kanya tanungin ninyo na lang siya,” tapos ni Cuenca.