Cabral's sex films at UP irk censors

Posted at 03/07/2009 10:03 PM | Updated as of 03/07/2009 10:03 PM

Mahigpit na pinaghihinalaan na ang pagtatanghal ng mga seksing pelikula ni Mercedes Cabral ang dahilan kung bakit pinag-iinitan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang UP Film Institute (UPFI) Cine Adarna.

Ito ay kasunod ng umano’y pagpuna ng tagapangulo ng MTRCB na si Ma. Consoliza Laguardia kaugnay sa pagpapalabas ng malalaswang pelikula sa state university.

Bagamat sa ilalim ng batas ay hindi sakop ng sensura ang UPFI Cine Adarna, nag-react umano si Laguardia sa isang lathalain sa pahayagan na malalaswang pelikulang gay ang itinatanghal sa Cine Adarna at UP Videotheque.

Dalawang magkakasunod na pelikulang bold na pinangunahan ni Mercedes ang ipinalabas kamakailan sa Cine Adarna tulad ng “Butas” at “Serbis” na kung dumaan man sa MTRCB ay ang uncensored version ang itinanghal ng mga prodyuser.

Hindi dahilan

Nagulat si Cabral sa akusasyon na siya ang ugat ng paghihigpit ng MTRCB sa UP.

“Ginagampanan ko lang naman po ang papel ko as an artist. Kung talagang kailangan ang sexy scenes sa pelikula, kahit maghubad ako ay okay lang. Kaya lang, nitong mga huling araw ay nabigyan ng ibang kahulugan ang bold roles ko,” pahayag ni Mercedes.

“Sa ‘Butas’ naman po ay napakaikli ng role ko at hindi naman ako nag-daring do’n. Kung may exposure man, lagi ko nang ginagawa ang gano’n mula pa sa ‘Latak’ movie namin nina Jowee Morel,” katwiran ng aktres.

“Sana naman po ay mag-isip muna ang mga concerned people bago nila pagbawalan ang mga bold movies na may katuturan. Hindi po ako ang dahilan ng paghihigpit ng MTRCB sa mga R-18 na pelikula at sa mga hindi dumaan sa censors,” sabi ng nagwaging Most Beautiful Actress in the 2008 Cannes Film Festival sa France kung saan tinalo niya sina Penelope Cruz, Cate Blanchett, Linda Evangelista, Salma Hayek at marami pang iba.

Walang 'penetration'

Tumanggi rin si Morel na siya ang dahilan ng paghihigpit ng MTRCB na magpalabas ng para sa tingin nito ay mga lewd films.

“Kung nagpakita ako ng penetration sa pelikula, do’n talaga ako dapat isumpa pero I see to it that I manage to exercise my freedom and responsibility as an artist in presenting sexually oriented scenes. Ayaw kong gumawa ng porno o ‘yong mga may penetration at erected ang mga sex organs. Makakarma ako sa ganyan kaya paano magti-trigger ang ‘Strictly Confidential: Confessions of Men’ na magbagsik ang MTRCB sa mga bold films,” paliwanag ni Jowee.

Maipalabas kaya sa Cine Adarna ang “Booking” ni Mercedes na ginawa ng Joven Tan?

“Nasasakanila po ‘yon pero kung ako ang tatanungin, walang masamang sex scenes sa akin. Makakaasa kayo na hindi ko gagawin ang directorial instructions na reasonable,” giit ni Cabral.   


Bookmark and Share

Links