Who is Ruffa Gutierrez‘s special someone?
Naging tampulan ng tukso si Ruffa Gutierrez ng co-hosts niya sa “The Buzz” na sina Boy Abunda at Kris Aquino hinggil sa kanyang love life last Sunday.
Sa ilang pagkakataon during the show ay maraming beses na tinutukso ni Aquino si Gutierrez na diumano ay mukhang inspired. Sinabi niya noong una na very blooming si Gutierrez at gumatong si Abunda at tinanong si Gutierrez kung may special someone siya ngayon. Pero itinanggi naman ito ni Gutierrez.
Nang mag-“hi” si Gutierrez sa isang portion ng POV (Points, Opinion, Violent Reactions), biglang isiningit ni Aquino na narinig umano niya si Gutierrez na may kausap sa telepono bago magsimula ang “The Buzz” at sinabi sa kabilang linya na kung mag-hi man daw ito ay para iyon sa kausap niya sa telepono.
Idinepensa pa ni Aquino na kung kailangan daw niyang manahimik upang patuloy lamang lumigaya si Gutierrez sa kanyang love life ay gagawin niya.
Sa kabila ng lahat ng panunukso sa kanya ay patuloy lamang sa pagtawa at pagde-deny si Gutierrez. Gayunpaman, huli na ang lahat dahil naging curious na ang mga nakapanood ng show tungkol sa mga patutsada nina Abunda at Aquino sa umano’y special someone niya.
Samantala, may mga bulung-bulungan na ang special someone umano ni Gutierrez ay kasamahan niya sa “I Love Betty La Fea.”
Dahil three times a week sila kung magsama sa taping, nagkapalagayan umano ng loob ang dalawa at naging malapit sa isa’t isa. Marami umano sa staff and crew ng teleserye ang nakakapansin sa “closeness” ni Gutierrez at ng nasabing aktor subalit hindi nila ito pinag-uusapan.
Isang buwan na raw umanong napapansin ang pagiging malapit ng dalawa. Ayon sa mga bulung-bulungan, ang sinasabing special someone ngayon ni Gutierrez ay walang iba kundi ang leading man ni Betty La Fea, si Armando. Hala, Armando! Lagot ka kay Betty! Is an office romance really brewing in Eco Moda? For more updates, tumutok lang sa ABS-CBN.com.