Henares confirms Anne Curtis visited BIR

Posted at 04/10/2014 3:57 PM | Updated as of 04/10/2014 11:31 PM
Actress-host Anne Curtis and BIR Commissioner Kim Henares

(UPDATED) Personal umanong nagtungo ang actress-TV host na si Anne Curtis sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue para subukang makipagkita kay BIR Commissioner Kim Henares, pero nabigo siyang makausap ito.

Kinumpirma ni Henares na nagpunta nga si Anne sa opisina niya, pero tumanggi siyang magkomento kung iniimbestigahan ba nila ang aktres. Patakaran kasi ng BIR na bawal kumpirmahin ang anumang imbestigasyong ginagawa nila.

“I was informed she went to BIR but I was not there,” ani Henares. “First, she did not have any appointment with me. In the first place, hindi ko alam, wala akong puwedeng sabihin… Siguro dapat tanungin niyo na lang si Anne Curtis bakit siya pumunta sa opisina ko. Ako hindi ako pwede magsalita.”

Sa April 15 ang deadline ng filing ng income tax returns (ITR).-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News