Judai, Ryan grant first interview as newlyweds

Posted at 05/05/2009 6:57 PM | Updated as of 05/05/2009 7:01 PM

Sa unang pagkakataon ay humarap sa “SNN: Showbiz News Ngayon” sina Mr. and Mrs. Ryan Agoncillo para sa isang eksklusibong panayam.

Bilang paunang tanong ay inusisa nina Boy Abunda at Kris Aquino ang pangalang gagamitin ni Judy Ann Santos ngayong kasal na siya kay Agoncillo.

Walang atubili itong sinagot ni Santos na handa na siyang maging Judy Ann S. Agoncillo sa lahat ng mga legal na dokumentong kakaharapin niya. Napag-usapan na raw nilang dalawa ito noon pa man.

Ngunit bilang respeto rin daw sa dalawang dekadang ginugol ni Santos sa pagtataguyod ng pangalan niya sa show busiuness, hindi ipinagkait ni Agoncillo na gamitin pa rin niya ang pangalan niya sa pagkadalaga sa mga darating na projects nito sa hinaharap.

Patungkol naman sa naging panayam ng SNN kay Jeffrey Santos noong Biyernes ay kinuha nina Abunda at Aquino ang opinyon ni Santos sa ilang mga detalyeng ibinahagi nito.

Sa mga salitang binitawan ng nakakatanda niyang kapatid regarding living her life for family versus living her life for herself, mariin niyang pinabulaanan na naging masyado siyang family-centered to the point na tinatalikuran niya ang sarili niyang buhay.

Giit niya dito, “Hindi naman siya na parang wala akong choice. It’s just that I really wanted to help my family...I wanted to keep my promise to mommy na hindi ako magpapakasal dahil buntis ako...at bago ako magpakasal, I’ll see to it na lahat kayo okay.”
 
Sa nasabing panayam kay Jeffrey, nabanggit din niya ang naging pakikipag-usap niya kay Agoncillo bago ang kasalan. Dahil dito, sinubukang alamin nina Abunda at Aquino mula kay Agoncillo kung anu-ano nga ba ang nilalaman ng naging pag-uusap ng dalawa.

“It’s more of how to deal with his little sister and how to make her happy,” sagot niya sa nasabing tanong.

At dahil nga raw they, Santos family, are the best people to speak of this dahil sila ang mga tao na nakasama niya buong buhay niya, talaga namang nirerespeto niya ang mga advise mula sa mga ito.

Nabanggit noon na sa lahat ng mga taong ipinakilala ni Santos kay Mommy Carol ay si Agoncillo ang namumukod-tanging tumatawag ng “tita” habang ang lahat ng nakakakilala’y “Mommy” ang tawag dito.

Inamin ni Agoncillo na conscious effort raw ito sa parte niya. “May balak na kasi ako noon e (laughs),” amin niya.

At dahil nga raw nakasanayan na niya ang pagtawag ng “Tita,” maski hanggang ngayon, paminsan-minsan ay ito pa rin ang naitatawag niya sa kanyang mother-in-law, na agad namang kinocorrect ng nahuli.

“I still can’t get used to it,” dagdag nito.

Maski si Santos ay umamin din na “tito” at “tita” pa rin ang tawag niya sa mga in-laws niya. Sa parte naman niya, medyo nahihiya pa rin daw kasi siya, so she’s taking time na sanayin ang sarili niya na tawaging daddy at mommy ang mga magulang ng asawa niya.


Bookmark and Share