Cristine Reyes excited over her brand new Dodge car

Posted at 05/17/2009 10:06 PM | Updated as of 05/17/2009 10:06 PM

Kahit na sunod-sunod ang blessings na dumarating sa aktres na si Cristine Reyes, para sa kanya sa practical na mga bagay na niya i-invest ang kanyang hard-earned money.

Hindi pala mahilig sa designer bags ang star ng “Banana Split” at “Precious Hearts Romances” na si Reyes.

“Sayang lang ang pera kung susunod ako sa usong bag ang dali rin namang magpalit ng uso,” pahayag ng aktres.

Hindi rin naiisip ni Reyes na kumuha ng condominium unit for herself.

“Ang laki-laki ng bahay namin sa Provident eh (in Marikina),” dagdag pa ng aktres. Meron din palang resthouse cum farm sa isang town sa Rizal province ang pamilya nila.

Mas practical investment para kay Reyes ang kotse. Understandable ang excitement nito nang dumating kamakailan ang in-order niyang red Dodge SUV. Reyes also owns a Starex van.

Ang Dodge ay isang US-based car company. Two Wednesdays ago, nag-text si Reyes sa closest friends niya para ibalita na dumating na ang kanyang bagong kotse na ayon sa Dodge website ay naglalaro ang halaga sa mahigit isang milyong piso.

Reyes drove around EDSA in the red Dodge last Wednesday. “Mas mabigat i-drive ang Dodge kesa sa Starex.”

Well, Reyes deserves a pricely car because she’s been working so hard these past few months. “Nagustuhan ko talaga yung Dodge na kinuha ko kasi yung kulay at itsura niya pambabae talaga.”

Napaka-hardworking talaga ni Reyes despite the frail condition of her heart. Recently ay nagpa-2D Echo na si Reyes, a standard procedure para sa may mga diperensya sa puso. She also asked for a second opinion sa Philippine Heart Center.


Bookmark and Share