Boy Abunda faces intrigues
MANILA, Philippines - Last Sunday after “The Buzz” ay nagkaroon kami ng pagkakataong makausap ng mabilisan si Boy Abunda.
Una naming naitanong kay Boy ang isyung tila nagugulo na raw ngayon ang relasyon nina Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez ayun na rin sa nakikitang closeness at tuksuhan nina Robin Padilla at Rodriguez sa daily noontime show na “Wowowee.”
Naglabasan ang isyung hindi na raw ito kayang palampasin ni Marudo ang naturang isyu at pati raw si Abunda na manager ni Rodriguez ay kakausapin na rin daw ni Marudo about it?
“No! That's not true at puro pang-iintriga lamang. You know, intriga lang 'yan. Alam mo naman dito sa mundong kinaiikutan natin, kapag may nakitang ganyan, naku, may intriga kaagad! Sa totoo lang, nakakakilig naman talaga si Binoy. Aminin natin na ganoon talaga kalakas ang dating ni Binoy lalo na sa mga girls. Kinikilig tayo doon, di ba? Ayaw na lang namin patulan ang isyu na 'yan dahil hindi naman totoo! At si Binoy, kilala ko 'yang isang napaka-gentleman lang na tao. Kita n'yo naman pati si Pokie (Pokwang), kinikilig din, hindi ba? That's not true. They're okay and nothing to worry about at maayos silang dalawa," sabi ni Abunda.
Malapit na ang buwan ng Hunyo kung saan nakatakdang ideklara si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III bilang bagong pangulo ng ating bansa. Kasabay nito ay ang pamamaalam rin ng matalik nitong kaibigang si Kris Aquino na umalis bilang co-host nito sa “The Buzz” at “SNN: Showbiz News Ngayon” para na rin daw protektahan ni Kris ang kanyang kapatid.
Umusbong naman ang haka-hakang naghihintay na rin daw kay Abunda ang isang mataas na posisyon sa gobyernong Aquino. Siya raw ang itatalaga ni Noynoy bilang press secretary ng Malacañang at gagawing Movie and Television Review and Classification Board chairman?
“Tayo naman ay bukas sa ano usapan. Hindi naman tayo nagsasara ng anumang pintuan at posibilidad! At lagi kong sinasabi na hindi naman po tayo nagsasalita ng patapos. Actually, hindi pa man lumalabas ang isyung 'yan, alam ko ng magkakaroon ng ganyang usapin about me. At alam naman nating lahat that I've worked hard for the campaign of Noynoy not for anything else kundi du'n na lang sa respeto at pagmamahal ng pamilyang Aquino sa akin lalo na nung buhay pa si Tita Cory,” aniya.
“Hindi ko inaasahan ang anumang offer sa akin. Wala 'yan sa isip ko at wala akong plano for that. Ginawa ko lang bilang isang kaibigan ang dapat kong gawin at maitulong sa kaibigan kong pamilya especially kay Kris, ginawa ko lang din kung ano lang ang nararapat ng walang inaasahang kapalit and that's it,” dagdag pa ng talent manager.
Kamakailan lang ay nagbigay ng kanyang financial help si Abunda sa muling pagpapaganda at pagpapaayos ng MET o Metropolitan Theatre sa may Lawton, Manila. Malaking bagay at malaking alaala diumano para kay Abunda ang naturang theater sa dahilang dito siya nag-umpisa bago niya marating ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.
“Yeah. I just gave it to Jobert (Sucaldito) para siya na ang bahala and we're donating 17 chairs for MET. Natutuwa ako sa proyektong ito sa dahilang dito ako sa MET nag-umpisa. Sa MET ako unang nagtrabaho bilang isang production assistant, nililinis namin ang backstage, tsini-check ang costumes, binibilang ang props na kawayan, combat trained ako sa MET, doon ako nagsimula nang walang-wala. Walang pamasahe, dun kami sa ilalim ng LRT kumakain sa tabi-tabi, pero, masaya ang buhay doon. Kaya when I heard it na ipapa-renovate nila, aayusin ang MET, tuwang-tuwa ako," pagtatapos ng host sa aming panayam.