Kris Aquino bids goodbye to 'The Buzz'

Posted at 06/28/2010 5:26 AM | Updated as of 06/28/2010 5:27 AM

MANILA, Philippines - Transcript of actress-TV host Kris Aquino's farewell message to the public on her last day as co-host of ABS-CBN's celebrity talk show "The Buzz."

_______________________________________________________________________

Kris: I just didn't want to be a burden. I didn't want na stuff that I could say here could have a negative effect on my brother. And I didn't feel na my personal life or my personal views should have an effect on him.

Kasi ang Wednesday is a day na aasahan nating lahat na may pagbabago, may mga magagandang mangyayari. It's a day for the Philippines to hope again... Thank you ate for acknowledging that it is a sacrifice kasi 10 years. Ang tagal pala. Ang dami palang nangyari talaga, but I was able to let go 2 things that I felt I was good at na umabot na sa punto na in-acknowledge na 'yong genre  na ito was ours. And readily, pinilit ko sarili ko na sabihing kaya with no assurances about what's next.

In the same way na sinabi ko sa Ate ko na nasa-sad ako kasi may fear, natatakot ako kasi ito ang alam ko talagang gawin at ito ang alam ko na magaling ako dito sa ginagawa kong ito. And paano ko kung 'yong next project na ibibigay nila sa akin, paano kung hindi ako kasing galing doon. But  in the same way na siguro nagtiwala ang Pilipinas kay Noy kasi nakita nila he was sincere in his desire to make this a better country and not have personal gain from this. Ganoon din siguro ang naging decision ko na binigay mo na ang lahat eh, alangan naman may part pa na, 'Hindi ibigay ninyo sa akin ito.' So, binigay na lang lahat.

It's really been a learning experience. Siguro kung nakita ninyo ang VTR na yan, from 29 to 39, parang malaki na rin siguro ang nabago sa buhay ko. Malaking nabago sa mga pananaw ko and malaki ang nabago sa core kasi tumibigay.

Gusto ko lang kayong pasalamatan lahat kasi alalang-alala ko pa nasabi ko kay Noy na, 'What if you lose? What happens to all of us?' And then sinabi niya, 'Nobody goes into a battle thinking they're going to [win].' And binayayaan nga siya ng napakalaking tiwala.

Ako naman po nabiyayaan ninyo ako ng, for any television personality, you gave me the greatest gift. You gave me the time. You gave me your trust. You let me be myself and accepted me for me.

Sa management ng ABS-CBN, it will be 14 years. Thank you for letting me grow. Thank you for believing in me.... 'Yong dressing room 3, Studio 5 pag Sunday, naging buhay na natin 'yon. Thank you for keeping my confidences.

Sabi ni Ate, 'Huwag kang iiyak kasi kung ano ano na naman ang sasabihin ng mga tao.' Pero pagbigyan ninyo na po ako kasi ang hirap naman po talagang magpaalam. But it has been a really wonderful 10 years.

And I'm really proud that in those 10 years... along with me in this journey, lahat ng mga nakatrabaho ko umangat din naman ang mga buhay ninyo. (Laughs) Siguro, naging mabuti naman tayo sa isa't isa.

Thank you Tita Cory (Vidanes, ABS-CBN channel head). Thank you Deo (Endrinal, business unit head) for being with me on this day. But most of all, thank you Boy (Abunda) kasi binigay mo na sa akin lahat, ang buong pagkatao mo, 'yong buong tiwala mo, all the love I could ever need. Thank you for always being ready to defend me and understand me.

You became Boy, I became Kris during this journey. And the partnership we had, siguro wala namang makaka-question, we had one of the best marriages on TV. (Laughs)

I will miss this and I will miss you. The role I have for you is so great so gusto ko lang pong sabihin sa inyong lahat na I'm gonna go happy. Kasi ang konti konti ng nandito sa industriya namin  na nabibigyan ng pagkataon na magpaalam na their show is still on top and they're still considered a prized possession of the network. It's a rare blessing.  It was always what mom prayed for me. Sabi ng mom, 'Kristina sana hindi umabot sa point na laos ka at sana nakapag-ipon ka na ng enough para kung anuman ang mangyari, okay kayo.'

So, mom, everything happens siguro and as part of God's will and I accept that . I know mom na this whole day you were here and you know kasi pag sad ako ikaw 'yong unang may alam so alam ko rin na bibigyan mo ako ng lakas.

To everybody here, who knows, 6 years from now, with science, baka maganda pa naman ako. (Laughs).At hindi pa ako kulubot baka puwede pa akong bumalik sa "The Buzz." Or baka 6 years from now, ako na ang nagswe-swearing in. (Laughs).

Thank you very much po sa inyo lahat.