Ka Freddie says he's ready to face criticisms

Posted at 07/14/2009 7:12 PM | Updated as of 07/15/2009 2:17 PM

MANILA  - Matapos ang kontrobersyal niyang opinyon laban kina Charice at iba pang mang-aawit na Filipino, nagbitiw na naman ng panibagong hamon si Freddie Aguilar.

Sinabi ng folk singer na hinahamon niya sina Charice at Arnel Pineda na umawit ng mga kantang Tagalog kapag nagtatanghal sila sa ibang bansa. 

“Hindi ko naman pinagbabawalan na kumanta si Charice ng Ingles. Sa interbyu sa akin sa TV, naitanong ko na hindi ba siya pinayagan ni Oprah Winfrey na kumanta ng Tagalog. Kung hindi ay bakit Ingles pa ang kinanta niya?” pahayag ni Aguilar.

“Kung sina Bamboo ang napunta sa YouTube at na-promote sa ‘Oprah,’ tiyak na sila ang gagayahin at hindi sila ang manggagaya. O, di ba, mas malaking karangalan ‘yon?” dagdag pa niya.

Paglilinaw ni Aguilar, wala siyang galit kay Charice bangkus ginagalang niya ito at hinahangaan.

Kay Pineda naman, ito din ang panawagan ni Aguilar.

“Bakit hindi niya i-suggest sa mga kasamahan niya sa ‘Journey’ na kumanta ng Tagalog. I hope, mas ma-a-appreciate sila sa buong mundo kung may Tagalog sila kahit na isang kanta,” ani Aguilar.

Sa kaso naman ni Gary Valenciano, ang payo niya ay huwag na niyang gayahin si Michael Jackson sa pagsayaw at si Al Jarreau sa pagkanta.

“Malakas na ang dating ni Gary as himself. Subukan mong itayo si Gary sa ibabaw ng stage at kahit na hindi siya mag-moonwalk at mag-ala-Al Jarreau, sa boses pa lang niya, outstanding na siya. Wala siyang katulad. Baka siya pa anggayahin,” pahayag ni Valenciano. 

Dagdag ni Aguilar, marami siyang tinanggihan na shows sa abroad dahil ayaw umano ng producers na kumanta siya ng mga Tagalog song.

“Sabi ko, hindi pwede. Sa kontrata, kailangang malinaw na mga Tagalog ang kanta ko,” pahayag nito.

“Hindi ko naman sinasabi na kailangang laging Tagalog ang kanta. Kasi, may mga nagre-request din ng English songs. Ang sinasabi ko lang, sa malalaking venue like international performance na malawak ang viewership at listenership, mas maganda kung Tagalog ang kantahin para maipagmalaki natin ang Filipino language,” paglilinaw niya.

Ka Freddie slams Cristy Fermin

Binatikos din ni Aguilar ang manunulat na si Cristy Fermin. Tinawag umano ni Fermin si Aguilar na insecure at laos na.

“Sabi ni Cristy, si Florante raw ang talagang nationalist singer or something to that effect. Baka hindi alam ni Cristy na American citizen na si Pareng Boy (palayaw ni Florante at kumpare ni Aguilar)?” pahayag niya. 

“Ako, hindi ko iiwan ang Pilipinas. Bakit sa Brunei, hindi matuluy-tuloy ang show ko? Kasi, may ayaw ipakanta sa akin ang Prince of Brunei. May ayaw din akong kantahin sa gusto niya kaya kahit malaking pera, hindi ko tinatanggap. Alam ba ni Cristy ‘yan?” dagdag niya.

Sabi ni Aguilar, handa raw siyang harapin ang isyu kahit na kontrabida pa ang tingin ng mga tao ngayon sa kanya. Ang mahalaga daw, aniya, ay maipaliwanag niya ang lahat. 

“May karapatan akong magsalita nang ganito dahil hindi pa nila naaabot ang naabot ko kaya bakit ako mai-insecure sa kanila?” pahayag niya. 


Bookmark and Share

47 comments

I HATE U!!

IDOL PA NAMAN KITA NOON, PERO NGAYON DI NA!!! NAKAKAWALANG RESPETO KA! AYAW KO SA TAONG INGGITERO NA KAGAYA MO! BYEEEEEEEE


ano ka ba naman Ka Freddie

Sa tingin mo ba ka freddie na ma-aapreciate nung mga foriegner na nanonood kay Oprah pag kinanta ni Charice ay tagalog?!... ang makaka-hanga lang nun ay tayong mga pinoy.
Ikaw ba'y makaka-apreciate ng awitin ng isang koreano sa kanilang linguahe?! weirdo ka talaga.
Si JASON na lang kaya ang hamunin mo... Freddie VS Jason


Ka Freddie 3(three) Deadly Sins

Ka Freddie 3(three) Deadly Sins

1.Wrath- Kayo ang nagpatawag ng unggoy dahil gaya-gaya kayo!!!
2.Envy - Kahit sinong mataas ang boses , kahit bagong gising ay kayang kantahin yon kanta ni Celine Dion.
3.Pride- May karapatan akong magsalita nang ganito dahil hindi pa nila naaabot ang naabot ko kaya bakit ako mai-insecure sa kanila? Sabi ko ilalampaso ko ang country singers niyo sa America , kaya kung ilampaso yan.
Ka Freddie Repent! Apologize now!!


KAW LNG NAGHIHIRAP FREDDIE DI C CHARICE

NO IS STOPPIN U TO BE A MAKABAYAN, CHARICE IS JUST STARTING AND JUST NEW IN THE MUSIC INDUSTRY AND IN INTERNATIONAL SCENE HELLOOOO...IF HER CAREER IS STABLE AND ALREADY ESTABLISH HER NAME THATS THE TIME SHE COULD ASK HER PRODUCER TO SING A TAGALOG SONG..BUT FOR NOW SHE HAS TO TAKE ADVANTAGE OF THE OPPORTUNITY SHE HAS ON HER HANDS....SINGING AN ENGLISH SONG DOESNT MEAN UR IGNORING UR ORIGNIN I PITY YOU MR.AGUILAR HOW KITID IS UR UTAK!!! HAHAHHA U CANT EVEN MAKE UR OWN DAUGHTER MEGAN A CAREER THOUGH SHES BEEN SINGING TAGALOG SOMGS FOR CENTURIES AND AGES NOW HAHAHHAAH GETTA LIFE OLD SAD MAN!


It's a waste of time!

Sana tumigil na ang media sa kakatanong kay Freddie. He has become irrelevant. Kung naging humble sana siya sa kanyang mga opinyon baka makakuha pa ng sympathy pero may halong kahambogan kasi siya mag-salita kaya lalung nababaon. Tignan nyo mag-damit style James Taylor. Yung gitara niya imported. Saan ba unang nauso ang mahaba ang buhok, sa US at UK pero hanggang ngayon ganoon pa rin siya. Yan ba ang nationalistic? Bakit hindi siya kumandidatong senador at mag-file ng bill ng mga opinyon niya? I doubt kung kahit Barangay tanod manalo ito.


walang punto kung meron ka iba basta me gawa kang para sa lahi

yun po ang punto. kahit gumawa ka ng ano mang gusto okay yun wala problema para sa tingin mong duon ka simula uunlad.ngunit ang mensahe lamang ay gumawa ka naman ng sariling lahi mo para kontribution sa bayan mapa english at tagalog me gawin kang bilang isang sining sa sarili mong bayan. nakakahiya naman na sining bilang pilipino ka.tapos hindi ka maghahanda ng kontribution manlang para sa bayan mo. sabi ni jose rizal daig mo pa ang malansang sardinas pag ganun. yun lamang po ang punto. ang goal po ninyo makabahagi o kontribution bilang pinoy me gawa ka manlamang hindi yun wala ni isa.

kung ganayan magiging set of mind ninyo kasi kesyo sa history lahat ng gumawa ng sarili atin hindi kumikita. ibig sabihin ba niyon titigil kana ,ganun ba asal natin. ke se hodang baka hindi kumita. magsikap ka parin gumawa at umasa. hindi naman lahat iyon pagagawa sayo. meron at pede karin gumawa ng para sa iba. pero malinaw ang mensahe wag lang wala yung sarili mong lahi. dahil ka inutilan na iyon.gaya ng nalilibang ng mga asal ng mga me sining na propesyun natin sa panahon ngayun. kaya mabuhay ka fredie.tumbok na tumbok na ikaw nga ang me karapatan manguna rito.


Dapat makapasok ka muna!

Dapat makapasok ka muna sa international music industry. Kung paano ka na-discover ay ipagpatuloy mo muna at kung pasok ka na saka ka mag-insist na kumanta ng OPM, hindi yun OPM kaagad. Ang dami na nating magagandang OPM pero hindi naman napapansin internationally, kagaya ng 'Never Ever Say Goodbye', mga kanta ng APO, kahit kanta pa ng Orange & Lemmons, Bamboo, Eraserhead at marami pa pero hindi maka-penetrate sa international market. Si APL de AP ay established na bago siya nakasingit ng Pinoy song sa album ng Black Eyed Peas, at kahit ganoon pa-isa-isa lang ang naisisingit niya at hindi siguro papayag ang BEP na puro Tagalog ang kantahin nila baka Pinoy lang ang bibili. Mahirap bang intindihin yon Ka Freddie? Example na lang ang sarili mo, mayroon ka ng OHW (one-hit-wonder) pero pumayag ba ang international producer mo na puro OPM ang kantahin mo? Nasaan ka na ngayon? Gusto mo bang matulad na lang sila sa iyo na sa sariling bar mo ay halos walang guston manood? Wala ng respeto sa iyo ang masa dahil wala ka ni kaunting humility, tapos gusto mo pang i-downgrade ang success na kapwa mo Pilipino, remember Jose Mari Chan na ayaw mong i-recognize ang success niya?


ang punto lumikha ka manlang ng sarili

malinaw ang naganap na pangyayari. mahal ni fredie ang pinoy siya ang unang nasaktan. kaya tayo tinatawag na monkey. hindi siya ang me tawag. siya nga ang nagpapaalala na wag tayo q tawagin ng ganun. bobo kasi umunawa iba dyan. hirit na agad ng hirit hindi muna nililinaw issue o inaalam .husga na. si fredie nga una nasaktan at umayaw. si fredie nga ang hindi makatulog sa ganung remark sa pinoy. kaya nga siya nasaktan at nagpaalala na kaya tayo tinatawag raw ng iba. ..ang propesyung sining ng ating lahi ay gumawa manlang ng sariling gawa. hindi naman sinabi wag ka kumnta ng iba o nang english. kumanta ka rin lahat ng gusto mo. pero ikanta at igawa mo rin ng sarili ang sarili mong lahi. malinaw ang mensahe. ke se hodang me pinagkunan ka o nagresearch ka . walang paki iyon. ang ganang atin ay yung gumawa ka o gawan mo ng sariling gawa ang lahi mo. yun po. puro kayo dakdak ng kabubuhan ninyo.hindi nyo muna linawin ang punto ng tao. mahirap ba unawain yun. kumanta ka hanggang gusto mo english ,hapon. africa. walang paki si fredie. ang ganag atin lamang ay sana gumagawa karin ng sariling likha mo para sa sariling bayan mo. ke se hodang me ginaya ka na iba. pero hindi lahat at sariling version mo na gawa iyon para sa bayan at lahi mo. iyon po ang punto. ang bobobo titigas ng bungo ulo niyo umunawa sa banal na spiritung pinararating sa inyo para sa bayan natin.


for freddie

hoy freddie kung mag comments ka tingnan mo muna yong sarili at tumingin ka sa salamin kung sino ang mukhang unggoy akala mo magaling kang kumanta pero basak ang busis mo,kaya tumahimik ka na lang puwede?


ang nakakaawa ay yung mga walang muang na bumabatikos

nakakahiya itong mga bumabatikos.batikos ng batikos ang linaw .sinabi na nga pinaliwanang na ang remark ni fredie ay pagmamahal sa atin lahi. na kaya raw tayo tuloy na tinatawag na monkey. sino ba itong mgfa gungong nilinaw na sige parin ang hirit hindi muna umunawa sa tama. makakarma kayo niyan. lahat ng nagcoment ng patiwarik para kay fredie abnormal yang mga tao niyan.bobo. bakit kamo biruin mo nilinaw na alam na nila totoo na hindi nag remark si fredie ng monkey. ang sabi nga niya kaya tayo tinatawag. nililigtas po nga niya ang pinoy.mahal niya tayo inaalala niya tayo. tapos ito namang mga gungong, nag clarify na naconfirm na na mali sila sa husga. patuloy parin. , kayong mga bobong coment ng coment kahit nilinaw na. nakakahiya kayo lahing pinoy. mga nagkokoment kay fredie ng pangit iyan ang mga abnormal na pinoy. kya fredie salamat sa pagmamahala mo ,hindi lang sa bayan.kundi pagmamahala sa aming mga mahal sa buhay na mga anak at magulang. sa iyong wagas na tungkulin sa bayan nasasaktan ka pag tinatawag kaming unggoy dahil narin sa gawa ng ating lahi. nasaktan ka kaya pinaalalahanan mo kami. habang nagagalit ka sa mga banyaga na tinatawag tayo ng ganun dahil narin sa atin.
pansin ko rin nga dati pa. na ang routine na iyan lumalaganap na. na ang sining ng ating mga pinoy ay hindi na nakakagawa manlang ng sariling atin upang hihain sa buong mundo. sana manlang gumagawa sila ng sarili kahi me ginagaya sila na iba. pero nangyayari ni isa wala na sila ginagawa para sa bayan at sa sariling lahi. mahal ka namin fredie nasa tama kang katayuan na ikaw ang nararapat gumising sa amin. god bless fredie nasa likod mo kami.mabuhay ka fredie na gaya mo dito sa bansang pilipinas