|
|
PASAY CITY, Philippines - Napuno ang World Trade Center sa Pasay Huwebes ng gabi para sa inaabangang "FHM's 100 Sexiest Women in the World" victory party.
Engrande ang set-up at stage. Tema ng party -- burlesque.
Rumampa ang mga modelo sa kanilang sexy lingerie at outfits.
All-out din sa kani-kanilang production numbers ang mga naggagandahang mga binibini.
Nagpatalbugan din sa kaseksihan ang pinaka-sikat na female stars ngayon, kabilang ang mga Kapamilya beauties.
Agaw eksena sina Bianca Manalo, Niña Jose, Saicy Aguila, Aubrey Miles, Wendy Valdez, Regine Angeles, Paw Diaz, at Eula Valdez.
Bida ang number 1 sexiest woman para sa taong ito -- ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Sam Pinto.
Base ang 100 sexiest women in the world sa mga boto ng men's magazine.