Caparas airs side on Nat'l Artist Award

Posted at 07/31/2009 11:21 AM | Updated as of 07/31/2009 5:25 PM

MANILA - Prolific pop artist Carlo J. Caparas finally responded to criticisms hurled against him after he was named National Artist for Film and Visual Arts by Malacañang last Wednesday.

Critics of Caparas complained about the decision of the Cultural Center of the Philippines (CCP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and Malacañang Palace to confer on him the highest award among artists in the country.

“Alam mo, ‘yang mga critics, kasama ‘yan sa proseso. Hindi natin maiaalis ‘yan. Kailangang i-welcome natin ang kanilang sasabihin. Hindi kumpleto ang isang idea kung walang criticism,” said Carlo in a telephone interview Thursday evening from Cebu where he was shooting a film for his Golden Lions Productions.

Carlo was accused by his opponents of bootlicking and influence peddling just to win the coveted title.

“Kaya lang, ganyan talaga kung may something for grabs. E, iisa lang ang pipiliin. Sana, maghintay na lang sila ng tamang panahon sa gusto nilang manalo. Hindi naman ito palakasan,” said the filmmaker, known mostly as chop-chop director based on his series of massacre movies.

He calmly hit back at his critics, especially on his credentials as an artist.

Crossover from komiks

“I think na nakapag-cross over ako from komiks to the movies and television. Kaya wag mag-alala ang mga critics ko, may pagkakataon pa sila o ang mga manok nila na manalo in the future. They cannot take the award from me anymore," he said.

“Baka ang nasa isip nila ay bata pa ako. Pero hindi naman ‘yon ang basehan. Sino naman ang ko-contest sa decision ng Cultural Center, ng NCCA at ng Malacañang tungkol sa award na ito? Mabuti na nga at ngayon pa lang ay ibinibigay na ang ganitong award sa mga taong nandito. Ang akala kasi nila ay sa matatanda o sa beterano o sa mga patay na ibinibigay ang ganitong award,” Caparas argued.

Meanwhile, Donna Villa, actress-producer and wife of Caparas, also defended his husband from critics.

“Even Jesus Christ was criticized because of his boldness to save mankind from sins,” said Villa, who was with Carlo during the shoot of the Manny Pacquiao, Eddie Garcia and Jake Cuenca trilogy.

“Sino ba naman sa mga naging National Artist Award na ang nakakasama sa kalye ng mga tao? Si Carlo lang ‘yon. Kasi, masang-masa si Carlo dahil naaabot niya ang mga pangkaraniwang tao. Well, of course, si Fernando Poe, Jr. pero patay na siya nang bigyan siya ng award," she said. 

“’Yang mga critics na ‘yan, wala namang nagagawa ang mga ‘yan. Magtigil na nga sila. Patunayan muna nila ang nagawa ni Carlo sa komiks at sa pelikula. Kahit sa TV,” Villa said.

Donna added his better half’s award is well-deserved.

“Sino ba sa kanila ang nailagay sa stamps natin? Si Carlo, anim na nobela na ang naka-imprint sa mga selyo natin, ‘yong Totoy Bato, Bakekang, Joaquin Borado, Kamandag, Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at ‘yong iba pa. Naku, history na lahat ito kaya walang makakapag-contest,” she said.

According to Donna, Carlo will just wear his signature cap, jeans, polo shirt and his extension, his shades during the awarding ceremonies that will be held after President Gloria Macapagal-Arroyo returns from her US trip. 

“Dapat makapag-identify sa kanya ang masa,” she quipped.


Bookmark and Share

2 comments

800 Novels? Talaga?

Fact Checking lang po, Mr. Morato. 800 novels? Saan nyo po nakuha ang number na ito? Si Pablo Gomez nga po, 1950's pa po nagsimula at nagsualat sya para sa komiks ng walang patid hanggang ngayon walapang 300 ang nobela nya. Duda po ako sa 800 na yan, at hindi ako maniniwala hanggang hindi ako nakakakita ng listahan. Matagal nang pinangangalandakan yang 800 novels na yan at sigurado ako na karamihan dito ay pawang kathang isip lamang.

Information po para sa inyo. Ang kategorya ng Film at Visual Arts sa National Artists Awards ay HIWALAY. Pag tinutukoy ang Visual Arts, hindi na kamasa dito ang Film kasi ito ay sakop na ng "Film" category. Samakatuwid, ang "Visual Art" ay tumutukoy sa gawa ni Ginoong Caparas sa komiks. Ano po ba ang sabi sa guidelines pagdating sa Visual Art? Ito po:

Visual Arts – painting, sculpture, printmaking, photography, installation art, mixed media works, illustration, graphic arts, performance art and/or imaging.

May ginawa po ba kahit isa dito si Ginoong Caparas para sa komiks? Ang sagot po ay wala. Sya po ay writer, at hindi illustrator.

Hindi po totoo na gumuhit si Ginoong Caparas ng kanyang mga nobela, lalo na yung mga nobelang nagpasikat sa kanya. Ang PANDAY po? Si Steve Gan ang gumuhit. Ang PIETA? Si Steve Gan ulit. Ang BAKEKANG? Si Mar Santana. Ang TOTOY BATO? Si Tor Infante. KROKO? Si Hal Santiago. GAGAMBINO? Si Karl Comendador.

Ito po ang katotohanan. Hindi po qualified si Ginoong Caparas para sa titulo na ito.


Qualifications Po?

Fact checking lang po. Gusto ko pong ipaabot kay Ginang Villa na marami na pong ibang taga komiks ang lumabas sa mga stamp.

Unang una na po si Francico V. Coching. Si Nestor Redondo. Si Federico Javinal. Si Francisco Reyes. Si Hugo Yonzon. Si Tony Velasquez. Si Nonoy Marcelo. Si Larry Alcala. Si Gilbert Monsanto, at si Rodolfo Ragodon. Lumabas ito mula 2003 hanggang 2004.

Di ko na po babanggitin kung deserving o hindi si Ginoong Caparas. Totoong marami na syang nagawa sa komiks, sa TV at sa pelikula. Ang gusto ko pong tukuyin ay kung sya ay qualified para sa titulo ng National Artist Award for Film and Visual Arts.

Mukha pong hiwalay ang ketegorya ng Film at Visual Arts, kaya siguro ang Visual Arts ay tumutukoy sa gawa nya sa komiks.

Ano po ba ang guidelines ng National Artist Award ukol dito? Ito po:

Visual Arts – painting, sculpture, printmaking, photography, installation art, mixed media works, illustration, graphic arts, performance art and/or imaging.

Mainam. Sa mga nakalista dito, meron po ba, kahit isa na nagawa si Ginoong Caparas para sa komiks?

Yun po bang stamp nya na tinutukoy nyo, sino po ang gumuhit noon? Sya po ba? Hindi po. Si KARL COMENDADOR ang dibuhista ng Gagambino stamp.

Sa mga likha ni Ginoong Caparas sa komiks, alin po ang ginuhit nya? Sasagutin ko po. WALA po. Ang Panday at Pieta ay si Steve Gan ang Gumuhit. Ang Bakekang ay si Mar Santana. Ang Kroko ay si Hal Santiago. Hindi na po ako gagawa ng listahan. Sasabihin ko na lang na sa lahat ng gawa nya sa komiks, IBANG TAO ang nag bigay ng VISUALS ng komiks nya. Nasaan na po itong mga tao na ito na tumulong sa kanya? Nasaan ang parangal para sa kanila?

Kaya ito po ang tanong ko. Papaano po sya naging qualified sa titulo ng National Artist for Visual Arts kund hindi naman po sa Visual Artist?

Kailan po naging tama ang ganito?