Mariel, Maricar fighting over Zanjoe?

Posted at 09/19/2009 3:52 PM | Updated as of 09/19/2009 3:52 PM

MANILA - Kadarating lamang nina Mariel Rodriguez, Pokwang at buong tropa ng Wowowee sa pangunguna ng main host na si Willie Revillame mula sa isang Wowowillie show sa Seattle, Washington.

Sinadya ng ABS-CBN.com ang dalagang host, at makaraan ang ilang kumustahan at balitaan regarding the successful show roon ng Wowowee, aming tinanong ito tungkol sa kumalat na isyu while she's abroad. Ang tungkol sa break-up diumano nila ng boypreng si Zanjoe Marudo

Third party daw ang dahilan ng kanilang pag-aaway at ang itinuturong salarin ay walang iba kundi si Maricar Reyes.

According to some reports may illicit relationship daw sina Marudo at Reyes at ito ang cause ng split-up.

“Wow, naman!” gulat na reaction ni Rodriguez. “Siyempre naman, kababalik lang namin ( from the US) at hindi ko alam ang kembot (pagporma sa ibang babae) na yan?" birong sagot ni Rodriguez.

“Hindi ko talaga alam na may chikang ganyan while we were having a show sa States. Sorry, hindi pa kami break ni Zanjoe talaga,” mensahe nito sa mga naninira sa kanilang relasyon.

Ewan daw niya kung bakit may lumalabas na ganoong isyu na sinasangkot si Reyes. Sa totoo lang, bilib kami kay Rodriguez na imbes kakitaan ng galit sa babaeng sangkot sa isyu, naawa pa nga ito sa walang-malay na salarin ng break-up kuno.

“Ewan ko kung bakit may lumalabas na ganyan, especially with Maricar? Actually, kasama dapat si Zanjoe sa ‘Gaano Kita Kamahal,’ kaya lang he couldn't do it because of the schedule. Tapos, no'n, dapat din meron silang ‘Maalaala Mo Kaya’ together. Pero hindi na rin natuloy kasi, Zanjoe has different MMK na yata or something. But they are supposed to work together," paulit-ulit pang banggit ni Rodriguez.

After two failed shows together, natuloy na rin sa wakas ang pagsasamahang project nina Marudo at Reyes, ang “Lovers In Paris.”

At si Rodriguez pa mismo ang nagkumpirma sa amin na tuloy na ang samahang Marudo-Reyes, of course with LIP lead stars, Piolo Pascual and KC Concepcion.

“So, that's why , kaya nagkakaroon ng ganyang balik( isyu) kasi nga, may project sila together na hindi natutuloy. Hindi ko alam, pero kawawa naman si Maricar,” pahayag ni Rodriguez.

Isinasangkot din kasi si Reyes sa napapabalitang hiwalayan naman ni Angel Locsin at Luis Manzano.

“Huwag naman natin siyang pagbintangan kasi, hindi naman totoo. Kawawa naman si Maricar," seryosong pahayag ni Rodriguez.

“Naaawa rin ako kay Maricar kasi kilala ko siya. Magkatrabaho kami sa Precious Hearts at mabait siya at hindi naman siguro niya deserve na masabihan siyang cause-of-break-up ng isang couple,” mariing depensa pa ni Rodriguez kay Reyes.

Bilang pagtatapos, nasabi niyang 100% pa rin ang ibinibigay niyang tiwala kay Marudo at ganu'n din naman daw si Marudo sa kanya. Never daw niyang kinonfront or iko-confront ang kanyang bf na si Marudo about the issue dahil alam niyang gimik lamang ito.

“Hindi naman kailangang komprontahin. Sa akin kasi, wala lang, bale-wala kasi hindi talaga ako papaapekto sa mga ganitong isyu na alam kung hindi totoo. Buo pa rin ang tiwala ko kay Marudo.”


Bookmark and Share

2 comments

Diyos Ku!

Diyos Ku naman, tamad pala ang trip ngaun ng mga babaing eto! I saw maricars videos at tlagang tamad ang trip nya. Eh walang ginawa yang si Zanjoe kundi matulog at humikab sa PBB.... buti na lang nga at nagdyi gym at kahit papaano kahit kahawig ni Bentong ay pinagaawayan...


yikes!

parang naman pinag aawayan nyo si bentong nyan ah... wala na talaga sa mukha yan, nasa porma na yan... kaya magdyi gym na rin ako para pag agawan na rin ako kahit wala akong itsura

practice makes perfect, but nobody's perfect... so why practice? duh?!


Links