PBB’s Kuya grants first TV interview
MANILA - Pinoy Big Brother’s (PBB) Kuya, the enigmatic voice in the popular reality-based show, talked to “The Buzz” host Boy Abunda Sunday in his very first television phone interview.
The rare TV interview took place ahead of the opening of the new PBB season on October 4 on ABS-CBN.
Below is Abunda’s exclusive interview with Kuya.
Mayroon na bang official list ng housemates na papasok sa Pinoy Big Brother?
Boy, sa susunod na linggo isasagawa ko na ang final casting kung saan mula roon ay makakapag-desisyon na ako kung sino ang mga bagong housemates na papasok sa aking bahay sa darating na Oktubre.
Ang ilang bahagi ng final casting ay ipapakita ko sa darating na araw kaya abangan niyong lahat.
Kumusta ka naman? Ano ang aming aabangan sa inyong pagbabalik, Big Brother?
Naging abala ako nitong mga nakaraang panahon kaya't nagpahinga naman ako. Inasikaso ko din ang aking pamilya at nilibot ko ang iba't ibang bahagi ng mundo. At siyempre naging [abala] na din ako sa audition.
Kuya, we heard may bagong bahay para sa mga bagong housemates na titira dito. Anong kakaiba sa bagong bahay ni Kuya ngayon?
Ang dapat abangan ng mga manonood, bukod sa mga bagong batch ng mga housemate na susubaybayan niyong lahat, ay ang magaganap na double up.
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng double up? Totoo ba ang haka-haka na ito ay mix ng celebrities at ordinary people?
Gusto ko mang sagutin iyang mga tanong mo ay makakabuting antayin niyo at ng mga manonood ang ibig sabihin ng double up. Sa takdang panahon, sabay-sabay niyong malalaman iyan sa pagbubukas ng aking bahay sa October 4.
May mapapalitan ba sa PBB hosts?
Mananatili pa din ang aking 3 hosts na si Toni (Gonzaga), Mariel (Rodriguez) at Bianca (Gonzalez).
Saan-saan sa Pilipinas o abroad manggagaling ang mga papasok sa PBB house?
Nagkaroon ng auditions sa 11 panig ng Pilipinas mula Luzon, Visayas at Mindanao. At naganap din ang 3 auditions sa ibang bansa specifically sa London, Japan at Amerika. Kaya asahan niyong lahat na sa iba't ibang panig ng Pilipinas at mundo manggagaling ang mga housemates.