Jul 04
2009

Joey, Willie kiss and make up


MORLY ALINIO abs-cbnNEWS.com | 10/18/2008 12:43 PM

Naunang dumating si Joey de leon sa Embassy Bar sa the Fort noong October 17, 2008 para sa Supreme Extreme Award na ginawa ni Tim Yap.Dumating din nataurang pagtitipon sina Angelica Panganiban, Ruffa Gutierrez Diether  Ocampo, Raymond Gutierrez at  KC Concepcion,
 
Sa simula pa lang ay alam na ni Willie na nasa itaas na nang bar si Joey pero okey lang sa aktor. Ayon kay Willie ang ipinunta niya sa Embassy ay dahil tatanggapin niya ang karangalang ibinigay sa kanya ng Supreme Extreme (Televisonary Award)
 
Televisonary Award is given to those persons/shows that who have changed the way of the television game is played, bringing the world into your homes while creating an impact on the world outside your home.
 
Nang tawagin ni Tim Yap si Willie para tanggapin ang tropeo ay mabilis na tumayo si Willie at sa kanyang speech ay sinabi niya ang ganitong linya: "I share this award kay Mr, Joey de leon na alam kong naririyan lang,,,"

Na bago pa matapos ang sunod sunod na sasabihin ni Willie ay agad napagtuunan nang pansin si Joey na noong mga sandaling iyon ay hindi kalayuan sa kinatatayuan ni Willie.
 
May tension ang tagpong iyon na kung saan sa harap ng maraming tao ay nagpalitan ng mga salita sina Joey at Willie na kabaligtaran sa mga litanyang binibitiwan nila sa kani-kanilang programa kapag sila ay nagpapariningan,
 
Na lalo pang ikinatuwa at ikinapalakpak nang mga tao--nang mula sa kinauupuan ay tumayo si Joey at nagtungo sa stage na kung saan naroon si Willie.
 
Mistulang long lost friend ang dalawa na animo ay mga tupa noong gabing iyon. Parang magkaibigan na nagkaroon nang matinding tampuan na tinapos nang kamayan at yakapan.
 
Ang  www. ABS-CBN. com ay hindi nag aksaya nang panahon dahil una itong sumapa sa stage para kunan nang pahayag ang dalawang komedyante.
 
"Sa ngayon ang masasabi ko ay masaya ako dahil alam ko na si Joey ay naging bahagi ng aking buhay. Naging idolo ko siya at kailanman ay tatanawan ko nang utang na loob"

Kay Willie ang pahayag na iyon na sinundan ni Joey nang ganitong litanya:
 
"Talo ng Supreme  Extreme ang The Buzz at Startalk dahil sila lang ang nakagawa nito sa amin ni Willie. Talo walang sinabi ang dalawang Showbiz talk show dahil ito lang ang nagkaroon ng lakas nang loob na pagsabayin kami ni Willie in one occasion"
 
Na sa kabuuan ay sinabi ni Joey na kung anuman ang mga binitiwan nilang mga salita na hindi maganda sa isa't-isa ni Willie noon ay lambingan lang iyon na kailanman ay hindi na dapat sundan.
 
"Ang importante dito, kung manonood kayo dapat panoorin ninyo ang Wowowee at siyempre ang Eat Bulaga" Sabi ni willie.
 
"Oo dapat dalawang show ang mapanood ninyo" Sabi uli ni Joey at sukat dun ay nagyakap nang mahigpit ang dalawa tsaka nagpasalamat sa isa't-isa.
 
Ayon kay Joey at Williem ay walang kaplastikang naganap sa pagbabati. Mga damdamin na raw nila ang nag utos upang wakasan na ang mga bagay na hindi naman makakatulong sa isa't-isa,
 
Sa kauna unahang pagkakataon ay winakasan nang Supreme Extreme ang matagal nang alitan nina Joey at Willie. Si Joey ay tumanggap din ng award bilang SUPREMO ( The one person who embodies the spirit of the Supreme Generation)
 
Isang eklavong award ang Supreme Extreme Award giving body na katuwan lang, ayon kay Tim Yap. Subalit makahulugan na ngayon ay magrerehistro sa isipan nang mga tao lalo pa ang naturang okasyon ay naging daan upang tapusin na ang matagal nang hidwaan nina Joey at Willie sa television.

as of 10/19/2008 10:24 AM



Multimedia

Please follow our chat rules
Report abuse to feedback@abs-cbnnews.com

Storypage Ad zedo


Tower 2


Tower 1