Edu bids farewell to ‘Game KNB?’
MANILA - Dinalaw ng ABS-CBN.com si Edu Manzano sa last taping day niya sa “Pilipinas, Game KNB?” noong Lunes.
Sa aming pagpunta sa studio ay napanood din namin ang masayang pagsasama-sama ng mga previous winners na muling naglaro para sa victims ng bagyong Pepeng at Ondoy.
Bukod sa kasiyahang ito, mas naging espesyal ang araw na ‘yon para kay Manzano dahil matapos ang ilang buwang absence sa Umagang Kay Ganda (UKG) ay muli siyang nagbalik sa kanyang early morning hosting stint that same day. If we can still remember, Manzano left UKG when he decided to concentrate more on his job as chairman of the Optical Media Board (OMB).
Matapos na siya ay mag-resign bilang OMB chairman at nag-season ender na rin ang kanyang sikat na game show, diretsahang tinanong namin si Manzano tungkol sa balitang pagtakbo umano nito sa darating na 2010 elections bilang senador.
Isa raw kasi siya sa pinagpipilian ng partido ni dating pangulong Joseph Estrada na maging bahagi ng kanilang senatorial candidates.
“Well, pinag-iisipan pa rin. Marami ang nago-offer, maraming dapat pag-isipan,” seryosong pahayag ni Manzano.“ Kung ire-rate ko? 85% siguro ‘yong kung tatakbo man ako at 15% yung hindi pa sigurado kasi may mga bagay pa ring kailan kong isaalang-alang.”
Inamin din ni Manzano na personal siyang nilapitan ni Sen. Jinggoy Estrada para imbitahan siyang sumapi sa Puwersa Ng Masang Pilipino pero hindi pa siya nagko-commit ng kahit na ano.
“Yes, wala pang finality. Hindi pa kami nakapag-reach [ng] agreement. So, imbitasyon lang. ‘Yan din naman ang ginagawa ng ibang partido. Ini-invite rin ako.”
May mga ispekulasyon din na kaya niya ginive up ang kanyang posisyon bilang OMB chairman ay dahil plano na talaga niyang tumakbo bilang senador sa 2010 elections.
Ngunit paliwanag ni Manzano: “Well, kasi sa OMB naman, as per law, hanggang dalawang termino ka lang ng tig-3 years so wala kang magagawa. Magsi-6 years na ako. Since malapit na rin mag-December, naisip ko lang na umalis ng maaga.”
Ganunpaman, confident si Manzano na maayos niyang iiwan ang kanyang trabaho sa OMB.
“Maganda naman ang naging reputasyon ng OMB here in our country, sa US, at sa iba pang bansa. Remember ang OMB nananalong Asia’s Copyright Enforcer of the Year,” pagmamalaki pa niya.
haler
kaya ka nga nandyan sa US juns, kasi wala kang silbi sa pinas... kaya ayaw nyo nang bumalik dito kasi wala naman kayong mga sinabi rito sa pinas... buti pa sa US, di kayo kilala kaya ok lang
wannabe American (merkanong hilaw)
Mr JunS, good riddance to you! Generalizing all Filipinos as corrupt is as shameful as the ones you criticize. Maybe you're ashamed of being born a Filipino, but not MOST of us, including our fellow citizens living abroad. Your right in one thing though, don't ever bother coming back. We don't need self-righteous S*B's like you here in the Philippines. If you're not part of the solution, your just a part of the problem. Good luck to your life in the US of A and again, good riddance!
duh
wala ngang nagawa sa OMB, magsi senador na? mapupuno na ng artista ang senado nyan, kasama si revilla, na pang showbiz na isyu lang naiinterview at si lapid na di nga naririnig sa mga senate probe at sabik pang magpakuha ng pic kasama si obama.
Bad Choice in Joining ERAP
I have high regards for Mr. Manzano and thought that he is of sound mind but hearing that he is thinking of joining corrupt ERAP. Now I know that he is as crazy as he is.I live in the USA and this kind of thinking from fellow Filipinos electing persons that have done stupid things to the nation should never be elected. I guess that is why most of us in the USA do not want to come back to the Philippines.
"TALAGANG WALA NG PAGASA ANG FILIPINAS, CORRUPT LAHAT.