It's Maricar Reyes' time to shine
MANILA - Tuloy-tuloy na nga ang pag-angat ng career ni Maricar Reyes sa show business dahil walang tigil ang pagdating ng mga projects nito.
Matapos ang sunod-sunod na television appearances, kasama na ang kinabibilangan niya ngayong teleseryeng “Lovers in Paris,” muli’y isasabak ang talento ng naturang artista sa paparating namang pelikula ng Box Office team-up na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Sa isang panayam sa “SNN:Showbiz News Ngayon, ” hindi maitago ni Reyes ang excitement sa nasabing paparating na proyekto. Ani nga niya, it is in fact an honor to be a part of Cruz-Alonzo comeback movie, lalo pa’t malaking papel ang gagampanan niya dito as the leading roles’ third wheel.
Paliwanag pa niya sa kanyang tunay na nararamdaman: “Mas maraming ine-expect sa akin in this one so medyo kinakabahan ako sa kabila ng excitement.”
Now that she’s finally stepping up in the limelight, walang humpay naman ang pasasalamat ni Reyes sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya’t nagbukas ng pinto para marating ang kinaroroonan niya ngayon.
Pagbabahagi rin niya, tinatayang malaking tulong din daw ang ani mo’y sunod-sunod na challenging roles na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network these past few months to mold her into a better actress.
For her next projects, hopefully daw ay maka-encounter pa siya ng ibang roles na susubok sa husay niya sa pag-arte.
“Anything different is always welcome for me to do. Ngayon mayaman ang role ko [in Lovers in Paris], gusto ko naman sana medyo kengkoy, medyo magulo ang gagampanan ko,” dagdag pa ni Reyes.






