EXCLUSIVE: Angel Locsin denies that her relationship with Luis Manzano is on the rocks
Simpleng kwentuhan lang ang namagitan sa ABS-CBN.com at sa aktres na si Angel Locsin. Marami kaming napagkuwentuhan at ang isa nga dito ay ang 'di umano ay paghihiwalay nila ni Luis Manzano. Kung paniniwalaan ang balita ay two weeks daw na nag-cool off ang dalawa sa hindi malamang dahilan.
"Nagsigawan kami ni Luis nung mag break? Hay, naku, sobra naman yata iyon. Parang ni katiting na katotohanan parang wala naman yata. Never pa naman kaming nagsisigawan ni Luis kahit kelan. 'Yun nagkukulitan at nagpipikunan kami, pero wala, walang mapikon sa aming dalawa. Mapikon talo. Kasi pareho kaming makulit," sabay halakhak ni Angel.
Nilinaw ni Angel na sadyang maharot lamang sila ni Luis sa isa’t isa kaya nami-misinterpret ng iba. "Sa pagkakaalam ko hindi kami nagsisigawan ni Luis, natutuhuran, nagsasakalan at nagtatadyakan lang kami. Hindi naman kami mga bayolenteng tao at hindi kami mahilig sa mga awayang pa sweet gusto namin ay physical na bugbugan talaga," birong tumatawa pang sabi ng dalaga.
"Honestly wala namang hiwalayang nangyari at lalong walang bugbugan or sakitan dahil imposibleng mangyari ang ganun. Actually nagulat na lang ako nang may lumabas na ganun kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko si Luis at sinabi ko sa kanya yung mga balitanga naglalabasan at iyon pareho na lang kaming nagtawanan. Nakakatawa talaga dahil alam naming hindi naman kami nag-aaway tapos may mga ganung lumalabas na chismis ‘di ba nakakatuwa?”
Ayon kay Angel kahit ano pa ang sabihin ng iba basta para sa kanya okay na okay ang samahan nila ni Luis. "So far happy naman kami ni Luis. Wala pa ring nababago sa kung anuman yung sa amin noon dahil heto pa rin kami. Nakikita naman ninyo siguro na masaya kami." Hindi naman daw mahirap para kay Angel ang sitwasyon nila ni Luis kahit sabihin pang nakikita ng mga tao ang kanilang sweetness sa isat isa." Ang sa akin lang naman po kasi siyempere utang namin sa public kung ano ang mga nangyayari sa amin pero may mga bagay na gusto naming ireserba para sa amin. Ibig kong sabihin siyempre kahit artista kami dapat sigurong kahit paano kahit maliit lang ay may inilaan din kaming para sa amin lang talaga kumbaga private matter.” Sinabi ni Angel na ang kanilng relasyon ni Luis ay "sakto lang." Sakto as in wala na siyang mahihiling pa sa aktor dahil naging mabait ito sa kanya kahit sabihin pang saksakan ng kulit "Makulit din naman po ako kaya sakto lang"
Sa kabilang banda ikiniwento ni Angel na nahirapan sila ni Luis sa kakaisip kung ano ang ireregalo nila kay Governor Vilma Santos (ina ni Luis) na nagcelebrate ng kanyang birthday last November 3. "Actually mahirap talagang pag-isipan kung ano ang magandang iregalo kay Ate Vi dahil almost lahat ng mga bagay ay nasa kanya na,” sabi ni Angel na kung saan ay biglang sumabat sa aming usapan si Luis."Ang sabi ko sa kanya ay ballpen na lang, Panda yung may scent," sabay tawa ng aktor. “Hindi po sabi sa akin ni Luis ay nahihirapan daw siyang maghanmap kung ano ang magandang iregalo ,.eh, ako rin wala rin akong idea kung ano ang magandang ibigay. Eh, iyang si Luis parang ayaw bumili ng sarili niyang regalo,” dagdag na kwento ni Angel. “Anong ayaw kong magbigay?" sabat uli ni Luis. "Ehm nanay ko ang may birthday bakit ayaw kong magbigay, kaw ha naninira ka,” panunukso nito kay Angel. Ayon kay Angel medyo natagalan daw ang diskusyon nila ni Luis sa kung ano ng ireregalo nila kay Ate Vi na at the end ay wala pa rin silang final na bibilhin."Kung may regalo na talaga kaming nabili ni Luis, eh, sabay na lang naming ibibigay iyon kay Ate Vi. Siyempre gusto ko rin yung personal na mai-abot ko iyon sa kanya."
Bago pa kami magkwentuhan ni Angel ay inamin na sa amin ni Luis na tinanggap na niya ang gay role sa movie nina Vilma Santos at John Loyd Cruz. Anong masasabi ni Angel dito? "Okay lang po sa akin. Wala naman po akong nakikitang masama kung gumanap si Luis na gay in one movie. Honestly wala po ako sa posisyon para mag comment sa movie ni Luis kasi hindi naman ako kasali dun. Pero ako excited ako sa movie. Gusto kong mapanood yun kung sakali at saka Direk Olive Lamasan yun. Ako nga sabi ko sa sarili ko sobrang blessed niya dahil magaling na direktor ang hahawak sa kanila plus makakasama niya ang mommy niya. Sobrang bongga ‘di ba?"
Masayang masaya si Angel noong hapon na iyon. Very willing siyang sumagot sa lahat ng mga katanungan kaya hindi kami nag-atubiling itanong na rin sa kanya ang isa sa mga maseselang tanong tungkol sa abortion issue na kumalat kamakailan lang. "Ako hangga’t maaari ayokong patulan ang mga ganyang issue. Kilala naman po ninyo ako na matiisin akong tao as long as na kaya ko pang tiisin hindi ninyo ako makikitang nag-rereact at nagagalit. Pero kapag alam kong hindi na maganda at binabastos na ang pagkababae ko, siyempe bilang babae lalaban po ako. Yun lang ang sa akin" seryoso na sagot ni Angel.
"Ito lang po ang sa akin, kung may sinasabi kayo laban sa akin maging ready lang kayong patunayan dahil ako handa naman akong harapin kung ano man yung mga ibinibintang ninyo sa akin. Isipin n’yo na lang kung kelan ko pwedeng gawin iyon. Ako pa na walang ginawa kundi magta-tumbling at magha-harness sa lahat ng fighting scenes ko. Saan nasingit sa punto ng buhay ko yung nag-paabort ako. Hindi ko po kayang gawin iyon dahil sobrang planado na nga po ang buhay ko. Gusto kong magkaroon ng anak na kambal. Marami na nga akong plano sa future ko kapag nag-asawa na ako tapos magpapaabort ako? "
Ayon kay Angel sinugod daw nila sa ospital ang kanyang ama nang pumutok ang balitang nagpalaglag siya dahil na stress ito "Yun lang nakakalungkot dahil sa mga ganyang isyu may mga mahal ako sa buhay na apektado talaga kasi kung ako lang, naku tatawanan ko lang kayo. Ako pa! Ako sa lahat ng laban ko handa ako pero kapag naapektohan na ang pamilya ko ibang usapan na iyan," pagwawakas ni Angel.