Luis Manzano is ready to kiss John Lloyd Cruz in a movie
![]() |
| Luis Manzano. (ABS-CBN.com) |
Tulad nang dapat asahan ay isang masayang kuwentuhan ang namagitan sa ABS-CBN.com at ni Luis Manzano. Isang makulit na pag-uusap na kung saan saan napunta ang topic pero at the end ay seryoso naman.
Gulat na gulat daw si Luis sa mga balitang naglabasan na nag-away sila ng bonggang bongga ng aktres na si Angel Locsin kaya’t break na sila.
"Actually nagulat din ako siyempre sa mga naglabasang balita. Hindi namin alam kung saan nanggaling ang chismaks to the max nga na iyon. Mas nauna pa ngang nalaman ni Angel ang isyung hiwalay na raw kami bago ako. Tinawagan ako ni Angel at sinabi niya sa akin na may ganung issue ngang pinag uusapan ngayon. Nagulat kaming pareho pero at the end ay nagtawanan na lang kaming dalawa,” sabi ni Luis.
Ayon kay Luis pareho daw sila ni Angel na makulit. Pero hindi pa dumarating sa punto ng kanilang buhay ang sila ay nag-away at nagsigawan na tulad sa mga balitang naglalabasan.
"Never pang nangyayari sa amin ni Angel ang nagsigawan at nag away. Hindi nga namin alam kung saan galing talagla ang mga ganung balita dahil sa totoo lang ay hindi kami ang klase ng tao na nagsisigawan. Nagkukulitan kami madalas pero walang sigawan, tilian meron," sabi ni Luis sabay halakhak.
"Ayaw namin ni Angel yung mga sigaw sigawan na iyan walang thrill, gusto namin ay bugbugang umaatikabo talaga yung basagan ng ngipin, sakalan at magpatayan talaga ang lambingan naming,” dagdag na pagbibiro nito.
"Nagulat din siyempre kami ni Angel nang malaman naming nag-away na pala kami in print. Sa totoo lang nakakagulat dahil never naman kaming nagkaroon ng selosan issue o nagtalo kami dahil sa selos o nagkatampuhan. Never kaming nagkaganun na umabot pa sa issue na nag-break daw kami. Wow,” aniya.
Explain ni Luis wala daw break up na nangyari dahil kung ano man daw ang meron sila noon ni Angel ay siya pa rin nilang pinanghahawakan ngayon, What is you see is what you get ang drama for short. "Kung ano man kami noon ni Angel ay yun pa rin kami hanggang ngayon at walang nababago sa amin since nung lumabas kami dun sa limousine sa ASAP up to this day ay ganun pa rin kaming dalawa. So happy pa rin kami at kami pa rin yung saksakan ng kulit na dalawa. "Hindi na kailangang malaman ng madla kung anong meron kaming dalawa ni Angel basta ang importante sa akin ay alam ni Angel kung anong meron talaga. I mean ang mahalaga naman dito ay pareho kaming masaya."
Sa interbyu na ginawa namin kamakailan kay sa ina niyang si Governor Vilma Santos ay inamin nitong tinanggap na ni Luis ang gay role sa pelikulang pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz.
Inamin ni Luis na tama ang kanyang ina. Totoong tinanggap na raw niya ang gay role. "Alam na niya (Gov. Vi) na tinanggap ko na ang gay role. Tinext niya ako at tinanong niya ako kung tinanggap ko na ang offer at sabi ko ‘Opo Ma, tinanggap ko na.’ Actually sabi ko kina Tita Malou (Santos) okay sa akin basta may bed scene kami ni John Lloyd,” sabay tawa muli ni Luis.
Noon pa usap-usapan ang pelikulang pagsasamahan nina Ate Vi at John Lloyd dahil sa nasabing movie ay gagawa ng markadong eksena kung sino man ang gaganap sa role na siyang gagampanan nga ngayon ni Luis.
Paano at bakit tinanggap ni Luis ang nasabing papel gayung sa simula pa lang nang i-offer sa kanya ang nasabing pelikula ay nag-alangan siya sa pagtanggap nito.
"Pera, pera ang dahilan. Hahaha! Pera lang ang dahilan talaga. Sa laki ng ibinayad sa akin ay hindi na ako nagdalawang isip,” pagbibiro muli ni Luis. “Hindi sa totoo lang nung unang inoffer sa akin naniwala na agad ako kay Tita Malou at Inang (Olive Lamasan) at nung makita ko ang presentation ni Direk Olive ay nagandahan talaga ako sa project kaya hayun hindi na ako nag-isip pa at tinanggap ko na talaga. Pinaliwanag nila sa akin kung ano ang magiging role ko, kung ano ang gagawin ko after nilang ipaliwanag ang lahat mas nagustuhan ko ang pelikula at yun sinabi ko na nga kay Miss Vilma Santos, nanay ko yun, na okay na ako. Tinanggap ko na ang offer.”
Sa nasabing pelikula ay sinasabing hindi maiiwasang magkaroon ng kissing scene sina John Lloyd at Luis Manzano. At ayon sa aktor hindi magiging malaking problema kung sakali ang nasabing eksena.
"Nakahanda na ako doon sa intimate love scene namin ni Lloydie, eh, pinag-uusapan pa rin, but we are both matured individuals. We are both actors. Siguro if the script really conforms dun sa magiging story siguro dapat maging open na lang ako sa possibility na mangyayari. Paghandaan ko na lang kung ano ang gagawin ko and besides kung magkakaroon ng ganung eksena hindi naman siguro magiging malaswa dahil si Inang ang direktor niyan." pagwawakas ni Luis.
